Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

236/366

Ang Ministeryo ng Malusog na Pagkain, Agosto 23

Nang nagtatakipsilim na, lumapit sa kanya ang mga alagad niya, na nagsasabi, “Ilang na lugar ito, at lumipas na ang maghapon, Papuntahin mo na ang mga tao sa mga nayon upang makabili sila ng kanilang makakain” Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi na kailangang umalis pa sila; bigyan ninyo sila ng makakain” Mateo 14:15,16, TKK 248.1

Ako'y may taimtim na mga salitang sasabihin doon sa papasok sa negosyo ng malusog na pagkain. Magkakaroon ng malaking kaibahan sa katangian sa gawain ng ating mga tindahan ng pagkain, restawran, at sa lahat ng bahagi kung saan pinangangasiwaan ang produksyon ng pagkain. Kailangang pasulugnin ang gawaing ito bilang ebanghelyong ilaw sa mga hindi pa naipagkaloob ang kanilang sarili sa Panginoon. Silang mga nangangasiwa sa mga pagkaing ito ay nangangailangan ng araw-araw na gabay ng Isang lumikha ng pagkain para sa limang libong taong nagugutom. Ang gawain ng ating mga tindahan ng pagkain at mga kainan ay dapat isakatuparan sa paraang walang pinansyal na kawalan. Hindi natin dapat kalimutan na kailangang magpatuloy ng bahaging ito ng gawain. Ngunit dapat tanggalin mula rito ang lahat ng mga nakasisirang impluwensiya. TKK 248.2

Dapat tayong manatili sa panig ng pakinabang. Ngunit ano ang gamit ng pagdadala ng gawaing ito kung ating isasakripisyo ang prinsipyo ng hustisya, kaawaan, at pag-ibig ng Diyos. Ano ag gamit ng pagdadala nito kung sa pamamagitan ng impluwensiya nito ay walang mga kaluluwang naliliwananagan at handang manghawak sa Salita na siyang kanilang espiritwal na pagkain? Doon sa mga may kaugnayan sa gawaing ito ay dapat mayroong pagkahimok sa pangangailangan ng pagtawag ng atensyon ng mga tao na kanilang naipakilala sa mga katotohanang nanggaling sa langit. TKK 248.3

Dapat may mga taong itinalaga sa gawain ng malusog na pagkain ng mga karapatdapat na magsalita ng ayon sa kapanahunan at hindi kapanahunan, at makapagbibigay liwanag sa mga kaisipan ng mga lalaki at babae na may kinalaman sa katotohanan. Kinakailangan ang espesyal na karunungan para maunawaan kung kalian magsasalita, at kalian tatahimik. Manalangin ang bawat manggagawa para sa espiritwal na pagkaunawa.— THE HEALTH FOOD MINISTRY, p. 89 . TKK 248.4