Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

233/366

Ang Medikal na Ministeryo, Agosto 20

“Kung paanong si Jesus na taga-Nazaret ay binuhusan ng Diyos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos,” Mga Gawa 10:38. TKK 245.1

Maliwanag na binigyang kahulugan ang ating gawain. Kung paanong sinugo ng Ama ang Kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan, gayon din na tayo ay sinugo ni Cristo, Kanyang mga disipulo, bilang Kanyang mga medikal na misyonerong manggagawa. Sa pagtupad ng mataas at banal na misyong ito, ating gagawin ang kalooban ng Diyos. Walang isang isipan o paghatol ng isang tao ang dapat na maging pamantayan natin kung ano ang totoong medikal na misyonerong gawain. TKK 245.2

Nagmula sa langit ang tunay na gawain ng misyonerong medikal. Hindi nagmula sa sinumang taong nabubuhay. Ngunit kaugnay sa gawaing ito marami tayong nakikita na inilalagay sa kahihiyan ang Diyos na ako'y inatasang sabihin, Nanggaling sa Diyos ang gawaing misyonerong medikal, at may maluwalhating misyong kailangang ganapin. Sa lahat ng kalagayan nito ay dapat maging kaayon sa gawain ni Cristo. Yaong mga manggagawa kasama ng Diyos ay siguradong magpapakita ng karakter ni Cristo kung panong ipinakita ni Cristo ang karakter ng Kanyang Ama habang nasa sanlibutang ito. TKK 245.3

Inatasan akong sabihin na lilinisin ng Diyos ang misyonerong medikal na gawain mula sa dungis ng pagkamakasanlibutan, at itataas para tumindig sa tunay na posisyon nito sa sanlibutan. Kapag ang mga pamamaraan na naglalagay sa panganib ng mga kaluluwa ay dinala sa gawaing ito, nasisira ang impluwensiya nito. Ito ang dahilan kung bakit sa pagsasagawa ng misyonerong medikal ay may bumabangon na mga kabalisahan na humihingi ng maingat na pagtingin. . . . TKK 245.4

Walang higit na makatutulong sa atin sa panahong ito ng ating gawain kaysa ang unawain at ganapin ang misyon ng pinakadakilang Misyonerong Medikal na tumuntong sa lupa; walang higit na tutulong sa atin kaysa maunawaan kung gaanong banal ang ganitong klaseng gawain at kung paanong ito ay ganap na umaayon sa habangbuhay na gawain ng Dakilang Misyonero. Ang layunin ng ating misyon ay pareho sa layunin ng misyon ni Cristo. Bakit sinugo ng Ama ang Kanyang Anak sa nagkasalang sanlibutan? Para ipakilala at para ipakita sa sangkatauhan ang Kanyang pag-ibig para sa kanila. Dumating si Cristo bilang Manunubos. Sa buong paglilingkod Niya Kailangang itanyag Niya ang misyong magligtas ng mga makasalanan.— MEDICAL MINISTRY, p. 24 . TKK 245.5