Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

232/366

Mga Panukala ng Diyos sa Gawain ng Iglesya: Gawain ng Edukasyon, Agosto 19

Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan, Kawikaan 9:10, TKK 244.1

Ang tunay na layunin ng edukasyon ay gawing karapatdapat ang mga lalaki at babae sa paglilingkod sa pamamagitan ng pagpapalago at pagdadala sa aktibong paggamit ng lahat nilang kakayahan. dapat mapalakas taon-taon ang mga gawain sa ating mga kolehiyo at mga paaralan ng pagsasanay, sapagkat sa mga ito ang ating mga kabataan ay dapat maihanda sa paghayo upang maglingkod sa Panginoon bilang mga epektibong mga manggagawa. Tumatawag ang Panginoon sa mga kabataan na pumasok sa ating mga paaralan at mabilis na gawing karapatdapat ang sarili nila sa aktibong paggawa. Maikli ang panahon. Kinakailangan ang mga manggagawa para kay Cristo sa bawat dako. Dapat gawin ang madaliang mga panghihikayat doon sa mga dapat ngayon ay kabahagi na sa masigasig na pagsisikap para sa Panginoon. TKK 244.2

Itinayo ng Panginoon ang ating mga paaralan; at kung ang mga ito ay isinagawang kasang-ayon sa Kanyang layunin, ang mga kabataang sinugo rito ay mabilis na maihahanda na makibahagi sa iba't ibang sangay ng gawaing misyonero. Sasanayin ang iba na pumasok sa bukirin bilang misyonerong nag-aalaga ng may sakit, ang iba ay mga kolpoltor, ang iba ay mga ebanghelista, at ang iba ay mga ministro ng ebanghelyo. Ang ilan ay kailangan maging handang pangunahan ang mga paaralan ng iglesya, kung saan tuturuan ang mga bata ng mga unang prinsipyo ng edukasyon. Napakahalagang gawain nito, na nangangailangan ng mataas na kakayahan at maingat na pag-aaral. TKK 244.3

Sinisikap ni Satanas na akayin ang mga lalaki at babae palayo mula sa tamang mga prinsipyo. Ang kaaway ng lahat ng mabuti, nais niyang makita ang lahat ng mga tao na talagang mga sinanay na gagamitin nila ang kanilang impluwensiya sa panig ng kamalian, sa halip na gamitin ang kanilang mga talento para pagpalain ang kanilang kapwa tao. At ang mga karamihan ng nag-aangking kabilang sa tunay na iglesya ng Diyos ay nahuhulog sa kanyang mga pandaraya. Naakay silang lumayo sa kanilang katapatan sa Hari ng kalangitan. . . . TKK 244.4

Ito ay para palakasin ang mga kabataan laban sa mga pagtukso ng kaaway kung kaya't nagtayo tayo ng mga paaralan kung saan maaari silang maging karapatdapat para sa kapakinabangan sa buhay na ito at para sa paglilingkod sa Diyos sa buong walanghanggan. Yaong may mga paninging nakatuon lamang sa kaluwalhatian ng Diyos ay masigasig na nanaising maging karapatdapat ang sarili nila para sa espesyal na paglilingkod; sapagkat magkakaroon ang pag-ibig ni Cristo ng pumipigil na impluwensiya sa kanila. Nagbibigay ang pag-ibig na ito ng higit pa sa pansamantalang lakas, at nagpapaging karapatdapat sa mga tao para sa pagkakamit na makalangit.— COUNSELS TO PARENTS AND TEACHERS, pp. 493-495. TKK 244.5