Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Para Magbabala Tungkol sa mga Darating na Pandaraya, Agosto 18
Ngunit may lumitaw ding mga bulaang propeta sa gitna ng sambayanan, kung paanong sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na palihim na magpapasok ng mga nakapipinsalang turo. Itatakuwil nila pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na nagdadala sa kanilang sarili ng mabilis na pagkapuksa. 2 Pedro 2:1. TKK 243.1
Sa darating, babangon ang iba't ibang pandaraya, at nais naming ng matatag na tinatapakan para sa ating mga paa. Nais namin ng matatag na poste para sa gusali. Walang isa mang panusok ang aalisin mula sa itinayo ng Panginoon. Ang kaaway ay magpapasok ng mga maling teorya, gaya ng doktrina na walang santuaryo. Isa ito sa mga punto kung saan magkakaroon ng paghiwalay sa pananampalataya. Saan tayo makatatagpo ng kaligtasan maliban na ito ay sa mga katotohanang ibinibigay ng Panginoon sa nakalipas na limampung mga taon? TKK 243.2
Nais kong sabihin sa inyo na nabubuhay si Cristo. Namamagitan Siya sa atin, Kanyang ililigtas ang lahat na lalapit sa Kanya sa pananampalataya at pagsunod sa Kanyang mga direksyon. Ngunit alalahaning hindi Niya nais na ibigay mo ang iyong lakas sa pamumuna ng iyong mga kapatid. Harapin ang kaligtasan ng sarili mong kaluluwa. Gawin ang trabahong ibinigay sa iyo ng Diyos. Makatatagpo ka ng napakaraming gawain na wala ka nang pagkahilig na pumuna ng iba pa. Gamitin ang kakayahang magsalita para tumulong at magpala. Kung gagawin mo ang gawaing ibinigay ng Diyos sa iyo, may papasanin kang mensahe, at mauunawaan mo kung ano ang kahulugan ng pagpapabanal ng Espiritu. TKK 243.3
Huwag mong isipin na walang anumang ginagawa si Satanas. Huwag mong isiping walang pakialam ang mga sundalo niya. Siya at ang Kanyang ahensya ay nasa lupa ngayon. Kailangan nating isuot ang buong kasuotang pandigma ng Diyos. Matapos gawin ang lahat, titindig tayo, haharapin ang mga kaharian at mga kapangyarihan at espiritwal na kasamaan sa matataas na lugar. At kung naisuot natin ang kasuotang pandigma ng langit, makikita nating hindi magkakaroon ng kapangyarihan sa atin ang mga pag-atake ng kaaway. Papaikot sa atin ang mga anghel ng Diyos para ingatan tayo. Taglay ko ang kasiguruhan ng Diyos na gayon ang mangyayari. TKK 243.4
Sa pangalan ng Panginoong Diyos ng Israel hinihingi kong lumapit kayo sa tulong ng Panginoon, sa tulong ng Panginoon laban sa makapangyarihan. Kung inyong gagawin ito, magkakaroon kayo sa inyong panig ng malakas na Katulong, isang sariling Tagapagligtas. Matatakpan ka ng kalasag ng Diyos. Ang Diyos ay gagawa ng daan para sa iyo, upang hindi ka mapagtagumpayan ng kaaway.— REVIEW AND HERALD, May 25,1905. TKK 243.5