Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Para Makaiwas sa mga Pagkakamali sa Doktrina, Agosto 17
At inyong ituring ang pagtitiyaga ng ating Panginoon bilang kaligtasan. Gaya rin ng ating minamahal na kapatid na si Pablo, ayon sa karunungang ibinigay sa kanya, ay sinulatan kayo; gayundin naman sa lahat ng kanyang mga sulat na sinasabi sa mga iyon ang mga bagay na ito. Doon ay may mga bagay na mahirap unawain, na binabaluktot ng mga hindi nakakaalam at ng mga walang tiyaga, gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila. 2 Pedro 3:15,16. TKK 242.1
Siguradong gagawa ang Panginoon ng mga dakilang bagay para sa atin kung magugutom at mauuhaw tayo sa Kanyang katuwiran. Tayo ay biniling pag-aari ni Jesu-Cristo. Hindi natin dapat walain ang ating debosyon, ang ating pagtatalaga. Nakikipaglaban tayo sa mga kamalian at mga kahibangan na kailangang walisin palayo mula sa mga isipan nilang mga hindi kumilos sa liwanag na mayroon sila. Ang mga katotohanan ng Biblia lamang ang ating kaligtasan. TKK 242.2
Alam ko at naiintindihan ko na dapat tayo maging matatag sa pananampalataya, sa liwanag ng katotohanan na ibinigay sa atin ng unang bahagi ng ating karanasan. Sa panahong iyon isang pagkakamali pagkatapos ng isa ang pumapasok sa atin at ang mga ministro at mga doetor ay nagpapasok ng bagong mga doktrina. Ating sasaliksikin ang Kasulatan nang maraming panalangin at maghahatid ng katotohanan sa ating mga isipan ang Banal na Espiritu. Minsan ay buong mga gabi ang gugugulin sa pagsasaliksik ng mga Kasulatan at seryosong humihingi ng gabay sa Diyos. Ang grupo ng masisigasig, na mga lalaki at babae na may debosyo ang nagkakatipon para sa layuning ito. Ang kapangyarihan ng Diyos ay darating sa akin at maliwanag na pinalakas ako para bigyang kahulugan ang katotohanan at kamalian. TKK 242.3
Habang ang mga punto ng ating pananampalataya ay naitatag ng gayon, nakatindig ang ating mga paa sa matibay na pundasyon. Ating tinanggap ang katotohanan sa isang punto tungo sa panibago sa ilalim ng pagpapakilala ng Banal na Espiritu. Kinuha ako para dalhin sa pangitain at ibinigay sa akin ang mga pagpapaliwanag. Binigyan ako ng mga paglalarawan ng mga makalangit na bagay at ng santuaryo, upang ilagay tayo sa sinisikatan ng liwanag sa malinaw, at natatanging mga sinag. TKK 242.4
Lahat ng mga katotohanang ito ay nananatili sa aking mga sulat. Hindi kailanman itinanggi ng Panginoon ang Kanyang Salita. Maaaring ang mga tao ay magplano pagkatapos ng isang plano, at ang kaaway ay magsisikap na manulsol ng mga kaluluwa mula sa katotohanan, ngunit lahat ng naniniwala na ang Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ni kapatid na White, at binigyan siya ng mensahe, ay magiging ligtas sa maraming mga delusyong darating sa mga huling panahong ito.— MANUSCRIPT RELEASES, no. 760, pp. 22,23 . TKK 242.5