Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Para Pigilan ang Panatisismo, Agosto 16
“Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong katawan, Sa kanila'y inilagay kayo ng Espiritu Santo na mga tagapangasiwa upang pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos na binili niya ng kanyang sariling dugo, Alam ko na pag-alis ko ay papasok sa kalagitnaan ninyo ang mababangis na asong-gubat na walang patawad sa kawan; at lilitaw mula sa inyo na ring kasamahan ang mga taong magsasalita ng mga bagay na lihis, upang akitin ang mga alagad na sumunod sa kanila,” Mga Gawa 20:28-30, TKK 241.1
Ang panatisismo ay makikita muli sa ating mismong kalagitnaan. Darating ang mga pandaraya, at ang karakter na iyon na kung maaari ay kanilang ililigaw ang mga pinili. Kung ang mga maliwanag na mga salungatan at mga walang katotohanang salita ay maliwanag sa mga pahayag na ito, ang mga salita mula sa mga labi ng dakilang Guro ay hindi kakailanganin. Ang mga babalang ito ay ibinigay dahil sa napakarami at magkakaibang mga panganib na babangon. TKK 241.2
Ang dahilan kung bakit aking inilalabas ang mga hudyat ng panganib ay upang sa pamamagitan ng pagbibigay ng liwanag ng Espiritu ng Diyos ay aking makita ang hindi nakikita ng aking mga kapatid. Maaaring hindi positibong pangangailangan para sa akin na linawin ang lahat ng mga kakaibang mga bahagi ng pandaraya na kailangan nilang bantayan. Sapat na sa akin ang sabihin sa inyo, Magbantay kayo; at bilang mga tapat na tagapagbantay ingatan ang kawan ng Diyos sa pagtanggap ng lahat ng mga nag-aangkin ng pakikipag-ugnayan sa kanila mula sa Panginoon. Kung gagawa tayo para lumikha ng masayang pakiramdam, makukuha natin ang lahat ng gusto natin, at higit pa sa posible nating malaman kung paano pangasiwaan. Kalmado at maliwanag na “Ipangaral ang Salita.” Hindi natin dapat ituring ito na ating gawain ang lumikha ng kasiyahan. TKK 241.3
Ang Banal na Espiritu ng Diyos lamang ang makaliliha ng malusog na kasigasigan. Hayaang gumawa ang Diyos, at hayaang lumakad na marahan ang mga tao sa harapan Niya, nagbabantay, naghihintay, nananalangin, tumitingin kay Jesus sa bawat sandali, ginagabayan at pinangungunahan ng mahalagang Espiritu, na siyang liwanag at buhay.— SELECTED MESSAGES, vol. 2, pp. 16,17 . TKK 241.4