Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

228/366

Harapin ang Panatisismo, Agosto 15

Sapagkat kami ay hindi sumunod sa mga kathang-isip na ginawang may katusuhan nang aming ipaalam sa inyo ang kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo, kundi kami ay mga saksing nakakita ng kanyang kadakilaan. 2 Pedro 1:16. TKK 240.1

Paulit-ulit nang mga nakalipas na taon ako ay tinawagang magsalita laban sa mga imahinatibo at ipinagbabawal na mga paraang ipinakita ng isa at iba pa. Ang mensahe ay ang dati pa rin, Ipangaral ang Salita sa kasimplihan at may pagpapakumbaba; magpakita ng maliwanag at dalisay na katotohanan sa mga tao. Huwag magbukas ng anumang pinto sa mga panatikong mga pagkilos, sapagkat ang impluwensiya ng mga ito ay ang magdala sa bayan ng Diyos ng pagkalito ng isipan at panghihina at kakulangan ng pananampalataya . . . . TKK 240.2

Tuwing tinatawag ako para harapin ang panatisismo sa iba't ibang mga porma nito, tumanggap ako ng maliwanag, positibo, at tiyak na tagubilin upang itaas ang aking tinig laban sa impluwensiya nito. Sa iba inihayag ng masama ang sarili nito sa porma ng pagsubok na gawa ng tao para siguruhin ang pagkaalam sa kalooban ng Diyos; at ipinakita sa akin na ito ay pagkalinlang na naging kahibangan, at ito ay kabaliktaran sa kalooban ng Panginoon. Kung susundan natin ang mga pamamaraang ito, matatagpuan tayong tumutulong sa mga plano ng kaaway. Nang panahong nakalipas ilan sa mga naniniwala ay may dakilang pananampalataya sa paglalagay ng mga tanda ng pagdedesisyon ng kanilang tungkulin. Ang ilan ay may gayong kasiguruhan sa mga tanda na ang mga tao ay dumating na hanggang sa pagpapalitan ng asawa, sa gayon ay dinadala ang pangangalunya sa iglesya. TKK 240.3

Ipinakita sa akin na ang mga pandaraya gaya nung mga tinawagan tayo para harapin sa naunang mga karanasan ng mensahe ay mauulit, at kailangan nating harapin natin silang muli sa pagsasara ng mga araw ng gawain. Sa panahong ito hinihingi sa atin na dalhin ang lahat nating kalakasan sa ilalim ng pangangasiwa ng Diyos, na ginagamit ang ating mga kakayahan ayon sa liwanag na Kanyang ibinigay. Basahin ang ika-apat at ika-limang kapitulo ng Mateo. Pag-aralan ang Mateo 4:8-10; gayundin ang kapitulo 5:13. Magnilay sa banal na gawain na pinasulong ni Cristo. Gayon ito na ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos ay kailangang dalhin sa ating mga paggawa.— SELECTED MESSAGES, vol. 2, pp. 28,29 . TKK 240.4