Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Ang Magtayo sa Saligan, Agosto 14
Na itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok, Efeso 2:20, TKK 239.1
Huwag hayaan ang sinuman pumasaok sa gawain ng pagwasak sa mga saligan ng katotohanan na ginawa tayo kung ano tayo ngayon. Pinangunahan ng Diyos ang Kanyang bayan unti-unti sa pag-usad bagamat mayroong mga patibong ng kamalian sa bawat gilid. Sa ilalim ng patnubay ng malinaw na “Ganito ang sabi ng Panginoon,” ang katotohanan ay naitatag na nakatayo sa pagsusuri ng pagsubok. Kapag ang mga tao ay bumangon at subukang akayin ang mga disipulo palayo kasunod nila, harapin sila sa pamamagitan ng mga katotohanang sinubok sa pamamagitan ng apoy. TKK 239.2
“'At sa anghel ng iglesya sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng ng may pitong Espiritu ng Diyos at may pitong bituin: Alam ko ang iyong mga gawa, sa pangalan ikaw ay nabubuhay, ngunit ikaw ay patay. Gumising ka, at palakasin mo ang mga bagay na natitira, na malapit nang mamatay, sapagkat hindi ko natagpuang ganap ang iyong mga gawa sa harapan ng aking Diyos. Kaya't alalahanin mo kung paano mo ito tinanggap at narinig; tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka gigising, darating akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong oras ako darating sa iyo’” (Apocalipsis 3:1-3). TKK 239.3
Yaong mga nagsisikap na alisin ang mga lumang palatandaan ay hindi humahawak na matibay; hindi nila inaalaala kung paano nila tinanggap at narinig. Yaong mga nagsisikap magpasok ng mga teoryang nag-aalis ng mga haligi ng ating pananampalataya na may kinalaman sa santuaryo o may kinalaman sa personalidad ng Diyos o ni Cristo ay gumagawa bilang taong bulag. Sinisikap nilang magpasok ng kawalang kasiguruhan at upang ihiwalay ang bayan ng Diyos palayo na walang angkla. TKK 239.4
Yaong mga nag-aangking taglay ang mensahe na ibinigay ng Diyos sa atin ay dapat magkaroon ng matalas at maliwanag na espiritwal na mga pagkaunawa, upang kanilang makilala ang katotohanan mula sa kamalian. Ang salitang sinabi ng mensahero ng Diyos ay “Gisingin ang mga bantay.” Kung makikita ng mga tao ang Espiritu ng mga mensaheng ibinigay at magsikap na malaman kung saan ito nanggaling, ang Panginoong Diyos ng Israel ay babantayan sila sa pagkaligaw.— MANUSCRIPT RELEASES, no. 760, pp. 9,10. TKK 239.5