Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

226/366

Para Itatag ang Katotohanan ng Biblia, Agosto 13

Upang ang Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kaluwalhatian, ay magkaloob sa inyo ng espiritu ng karunungan at ng pahayag sa isang ganap na pagkakilala sa kanya. Efeso 1:17, TKK 238.1

Ang mga nahahayag na mga katotohanan sa pagkakasunod-sunod nito, habang umuusad tayo sa bahagi ng propesiya na inihahayag sa Salita ng Diyos, ay katotohanan, banal at walang hanggang katotohanan para ngayon. Yaong mga tumawid unti-unti sa nakalipas na kasaysayan ng ating karanasan, na nakikita ang magkakarugtong na katotohanan sa mga propesiya, ay handang tanggapin at sundin ang bawat sinag ng liwanag. Sila'y nananalangin, nag-aayuno, nagsasaliksik, naghuhukay para sa katotohanan bilang mga natatagong kayamanan, at ang Banal na Espiritu, alam natin, ay nagtuturo at gumagabay sa atin. TKK 238.2

Maraming mga teorya ang umusad, na nagtataglay ng pagkahalintulad sa katotohanan, ngunit nahahaluan ito ng mga kasulatang may maling interpretasyon at aplikasyon na nag-aakay sa mapanganib na mga pagkakamali. Alam na alam natin kung paanong ang bawa't punto ng katotohanan ay natatag, at kung paano ito naselyuhan ng Espiritu Santo ng Diyos. At sa bawat sandal ang tinig ay maririnig, “Narito ang katotohanan,” “Nasa akin ang katotohanan; sumunod ka sa akin.” Ngunit dumating ang babala, “Hindi ko sinugo ang mga propeta, gayunma'y nagsitakbo sila” (tingnan ang Jeremias 23:21). TKK 238.3

Ang pangunguna ng Panginoon ay natatakan, at pinakakahanga-hanga ay ang mga kapahayagan Niya kung ano ang katotohanan. Isang punto pagkatapos ng isa ay itinatag ng Panginoong Diyos ng langit. Ang katotohanan noon ay katotohanan ngayon. Ngunit ang mga tinig ay hindi tumitigil na marinig—“Ito ang katotohanan. Ako ay may bagong katotohanan.” Ngunit ang mga bagong katotohanang ito sa bahagi ng propesiya ay makikita sa maling paggamit ng Kasulatan at na naanod ang bayan ng Diyos palayo na walang angkla para humawak sa kanila. Kung tatanggapin ng mga estudyante ng Biblia ang mga katotohanang inihayag ng Diyos sa pangunguna sa Kanyang bayan at ginanap ang mga katotohanang ito, uunawain ito, at isakatuparan ito sa kanilang personal na buhay, sila ay magiging buhay na daluyan ng liwanag. Ngunit yaong mga naglagay ng sarili sa pag-aaral ng mga bagong teorya ay may magkahalong katotohanan at kamalian na pinagsama, at, matapos sikapin gawin itong tanyag, ay ipinakikita na hindi nila sinindihan ang kanilang kandila mula sa altar ng Diyos, at naligaw ito sa kadiliman.— MANUSCRIPT RELEASES, no. 17, pp. 4,5 . TKK 238.4