Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

211/366

Paghingi ng mga Kaloob, Hulyo 29

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos na nagbibigay nang sagana sa lahat at hindi nanunumbat, at iyon ay ibibigay sa kanya. Santiago 1:5. TKK 222.1

Iyong mga humihingi para makapagbigay sa mga iba ay hindi mabibigo. Gagantimpalaan ng Diyos iyong mga lumalapit sa Kanya sa taimtim na pananampalataya. Sinisiguro Niya tayo na sa pag-iisip ng Kanyang kamahalan at kapangyarihan ay hindi dapat tayo mananatili sa takot. Siya'y higit na magiging mapagbiyaya kaysa ating iniiisip kung lalapit tayo sa paanan ng Kanyang awa. Iginigiit Niya ang Kanyang kapangyarihan bilang dahilan ng Kanyang dakila at maawaing kagandahang loob sa pagbibigay ng mga hinihingi sa Kanya. Ipinangako Niya ang Kanyang sarili na diringgin ang ating mga dalangin at ipinahahayag na tutugunin Niya ang mga ito. Siya'y nagpakababa para makiusap mula sa katutubong gawi ng pagiging maawain ng magulang hanggang sa walang-hanggang kabaitan Niyang nagmamayari sa atin sa paglikha at sa pagtubos. Kanyang sinabi, “Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya?” (Lucas 11:13). Ang mga nangangailangan at ang mga kaluluwang uhaw ay hindi humihingi sa Diyos na walang kabuluhan. . . . TKK 222.2

Sa pananaw na ito, sabihin mo sa akin ang dapat magkaroon ng mukhang may higit na liwanag at masaya, may higit na sikat ng araw, kaysa roon sa nabubuhay na may pananampalataya sa Anak ng Diyos. Sa Kanya, lahat ng pangangailangan ng mga nangangailangan at nagugutom ay sa naibibigay. Ngunit huwag nating kalimutang iyong mga pinagpala ng Diyos ng mga mabubuting bagay sa buhay na ito ay dapat maging katuwang Niya, para ipagkaloob ang mga pangangailangan ng Kanyang mga nangangailangan. Dapat silang maging mga manggagawa kasama Niya. Sila ay Kanyang katiwala na pinagtitiwalaan, at dapat gamitin ang kanilang ari-arian para sa pag-usad ng gawain Niya, upang maluwalhati ang Kanyang pangalan. TKK 222.3

Nais ng Panginoon na gamitin ang iglesya bilang isang daluyan kung saan maipapahayag ang Kanyang mga pagpapala. Kung pananatilihin ng kanyang bayan na bukas ang daluyan, na tumatanggap ng espiritwal at pansamantalang mga kaloob ng Kanyang biyaya, at ibigay ito sa mga nangangailangan, hindi magkakaroon ng mga may sakit na mapababayaan, walang mga ulilang umiiyak para sa pagkain. Aawit sa kasiyahan ang mga puso ng mga balo at mga walang ama. TKK 222.4

Ibinigay ng Diyos sa tao ang pinakamayaman Niyang mga kaloob. Ginawa Niya ito upang makapamahagi ang tao ng Kanyang kayamanan.— THE BIBLE ECHO, August 12,1901. TKK 222.5