Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

209/366

Ang mga Pastor at mga Gurong Nagsisikap na Matamo ang Pagkakaisa, Hulyo 27

Pinagkalooban niya ang iba na maging mga apostol, ang iba'y propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at mga guro; upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, hanggang makarating tayong lahat sa pagkakaisa ng pananampalataya, at sa ganap na pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang maging taong may sapat na gulang, hanggang sa sukat ng ganap na kapuspusan ni Cristo. Efeso 4:11-13. TKK 220.1

Nagkaloob ang Diyos doon sa mga taong dapat maging Kanyang kasangkapan, mga talentong mapagkukunan, kakayahan, at impluwensiya, ayon sa kanilang kakayahang gamitin ang mga kaloob na ito sa matalinong pamamaraan para sa paglilingkod sa Kanya. Nagkaloob ang Diyos sa bawat tao ng kanyang gawain. “Pinagkalooban niya ang iba na maging mga apostol, ang iba'y propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at mga guro.” TKK 220.2

Bakit Hinirang ang mga manggagawang ito? “upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, hanggang makarating tayong lahat sa pagkakaisa ng pananampalataya, at sa ganap na pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang maging taong may sapat na gulang, hanggang sa sukat ng ganap na kapuspusan ni Cristo. Tayo'y huwag nang maging mga bata, na tinatangay-tangay ng mga alon at dinadala-dala ng bawat hangin ng aral, sa pamamagitan ng pandaraya ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang mga katusuhan sa paraang mapandaya. Kundi humahawak sa katotohanan na may pag-ibig, lumago tayong lahat sa kanya, na siyang ulo, samakatuwid ay si Cristo” (Efeso 4:12-15). TKK 220.3

Makikita natin mula sa mga kasulatang ito na may hinirang ang Panginoon na Kanyang mga manggagawa, at ang gawaing ipinagkaloob sa kanila ay tumitingin sa isang tiyak na layunin. Ang mga propeta, mga apostol, mga mangangaral, mga pastor, mga guro ay lahat dapat gumawa sa ikasasakdal ng mga banal, para sa gawain ng paglilingkod, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo. Hindi ba't ang layuning ito'y karapatdapat sa masusing atensyon? Hindi ba natin nakikita na mayroong kapabayaan sa ilang espesyal na gawain para sa iglesya, kung saan ang mga banal ay hindi nakaaabot sa kasakdalan na nais ng Diyos na maabot nila? Kung ang gawain ng paglilingkod ay ginagawa, napatibay sana ang iglesya, at naturuan sana para sa malaking gawaing naisalin sa kanila. Naipakita sana ang katotohanan sa paraang ang Espiritu ng Panginoon ang kumikilos sa mga puso, at ang mga makasalanan ay napaniwala at nabago, at pipiliing maging mga tagasunod ni Cristo.— REVIEW AND HERALD, March 7,1893. TKK 220.4