Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Ang mga Nagbebenta ng Librong May mga Kaloob Para Magpatotoo, Hulyo 26
Na naglilingkod sa Panginoon ng buong kapakumbabaan at may luha, at may mga pagsubok na dumating sa akin dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio. Hindi ko ipinagkait na ipahayag sa inyo ang anumang bagay na kapaki-pakinabang, at hayag na nagtuturo sa inyo, at sa mga bahay-bahay. Mga Gawa 20:19,20. TKK 219.1
Mula sa liwanag na ibinigay sa atin ng Diyos, may malaking responsibilidad ang mga nagbebenta ng libro. Dapat silang humayo sa kanilang gawain na handang ipaliwanag ang Kasulatan, at walang anumang dapat sabihin o gawin para itali ang kanilang mga kamay. Kung ibibigay nila sa Diyos ang kanilang pagtitiwala sa kanilang paglalakbay mula sa isang lugar tungo sa isa pa, palilibutan sila ng mga anghel ng Diyos, na magbibigay sa kanila ng mga salitang sasabihing magdadala ng liwanag at pag-asa at lakas ng loob sa maraming mga kaluluwa. Kung hindi dahil sa trabaho ng mga nagbebenta ng mga libro, marami ang hindi makakarinig ng katotohanan. TKK 219.2
Sa lahat ng mga kaloob na ibinigay ng Diyos sa tao, walang higit na marangal o higit na pagpapala kaysa kaloob ng pagsasalita, kung ito ay pinabanal ng Espiritu ng Diyos. Kumukumbinse at humihikayat tayo sa pamamagitan ng dila; ginagamit natin ito sa paghahandog ng panalangin at papuri sa Diyos, at sa pamamagitan nito'y inihahatid natin ang kaisipan tungkol sa pag-ibig ng Manunubos. Sa pamamagitan ng ganitong gawain naikakalat ng mga nagbebenta ng libro ang mga butil ng katotohanan, na nagiging dahilan upang suminag sa maraming isipan ang liwanag mula sa Salita ng Diyos. TKK 219.3
May katapatan akong umaasa na walang isipan ang tatanggap ng impresyon na pang-mamaliit sa ministro ang magbenta ng libro. Pakinggan ang patotoo ni apostol Pablo: “Nang sila'y makarating sa kanya, ay sinabi niya sa kanila, ‘Nalalaman ninyo kung paanong namuhay akong kasama ninyo sa buong panahon mula sa unang araw na ako'y tumuntong sa Asia, na naglilingkod sa Panginoon ng buong kapakumbabaan at may luha, at may mga pagsubok na dumating sa akin dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio. Hindi ko ipinagkait na ipahayag sa inyo ang anumang bagay na kapaki-pakinabang, at hayag na nagtuturo sa inyo, at sa mga bahay-bahay, na nagpapatotoo sa mga Judio at gayundin sa mga Griyego tungkol sa pagsisisi tungo sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo’” (Mga Gawa 20:18-21). Ang mahusay magsalita na si Pablo, na pinagpahayagan ng Diyos ng Kanyang sarili sa kapansin-pansin na paraan, ay nagtungo sa bawat bahay, na may pagpapakumbaba ng isip, at maraming luha at mga tukso.— THE HQME MISSIONARY, November 1,1896 . TKK 219.4