Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

203/366

Higit na mga Kaloob: Higit na Responsibilidad, Hulyo 21

“Sapagkat tulad sa isang tao na maglalakbay, tinawag niya ang kanyang sariling mga alipin, at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang mga ari-arian. Ang isa ay binigyan niya ng limang talento, ang isa ay dalawa, at ang isa ay isa; sa bawat isa'y ayon sa kanyang kakayahan. Pagkatapos ay humayo na siya sa paglalakbay” Mateo 25:14,15. TKK 214.1

Ipinagkaloob ang kanyang gawain sa bawat tao. Maaaring hindi magawa ng isang tao ang isang gawaing nagagawa ng isang taong sinanay at tinuruan. Ngunit ang gawain ng bawat tao ay dapat mag-umpisa sa puso, na hindi nagtitiwala sa mga teorya ng katotohanan. Ang gawain niyang isinuko ang kaluluwa sa Diyos at nakikipagtulungan sa banal na ahensya ay maghahayag ng may kakayahan at matalinong manggagawa, na nakakakilala kung paano ibagay ang sarili sa sitwasyon. Dapat maging banal ang ugat, o walang banal na magiging bunga. Ang lahat ay dapat maging manggagawa kasama ng Diyos. Hindi dapat ang sarili ang maiangat. Ipinagkatiwala ng Diyos ang mga talento at kakayahan sa bawat indibidwal, at iyong higit na nabigyan ng oportunidad at mga pribilehiyo na marinig ang tinig ng Espiritu ay nasa ilalim ng mas mabigat na responsibilidad sa Diyos. TKK 214.2

Yaong mga kinakatawanan bilang may iisang talento ay may kanilang trabahong dapat gawin. Sa pamamagitan ng pakikipagpalitan, hindi ng mga libra, sa halip ay salapi, dapat na silang magsikap na gamitin ang kakayahan, na determinadong hindi mabigo o manghina. Kailangan nilang humingi na may pananampalataya, at magtiwala sa Banal na Espiritu na gumawa sa mga pusong hindi naniniwala. Kapag sila'y tumiwala sa sarili nilang kakayahan, mabibigo sila. Yaong may katapatan na ginamit ang isang talento ay makakarinig ng mapagbiyayang parangal na sasabihin sa kanila na may kasiglahan na gaya nilang mga pinagkalooban ng maraming mga talento, at may karunungang pinaunlad iyon, “Magaling! Mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay” (Mateo 25:21). TKK 214.3

Ang trabahong isinagawa sa Espiritu ng pagpapakumbaba ang kinikilala ng Diyos. Siyang may iisang talento ay may ibubuhos na impluwensiya, at kinakailangan ang kanyang gawain. Sa pagpapasakdal ng kanyang sariling karakter, sa pagkatuto sa paaralan ni Cristo, nagbubuhos siya ng impluwensiya na makatutulong para pasakdalin ang karakter nilang mga may mas malaking mga responsibilidad, na nasa panganib ng pagtataas ng kanilang sarili, at pagpapabaya ng ilang mahalagang maliliit na mga bagay, na siyang taong tapat na may isang talento ay isinasaalang-alang na may masikap na pagiingat.— NOTEBOOKLEAFLETS, vol. 1, pp. 129,130 . TKK 214.4