Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

199/366

Humahanap ng Higit na Mabuting Paraan,Hulyo 17

Subalit pagsikapan ninyong mithiin ang higit na dakilang mga kaloob, At ipapakita ko sa inyo ang isang daan na walang kahambing, 1 Corinto 12:31, TKK 210.1

Nanganganib ang ilan sa pagbibigay-daan sa inggit sa takot na mangibabaw ang iba. Maaaring hindi nila makilala ang mga kaloob ng kanilang mga kamanggagawa bilang kasing halaga sa pagtatagumpay ng gawain gaya ng sa kanila. Ngunit ang wagas na pag-ibig sa Diyos ay nagtataglay ng tunay at magalang na pagtitiwala. At siyang umiibig sa Diyos ay iibig rin sa kanyang kapatid. TKK 210.2

Hindi dapat magkaroon ng utusan, pagdodomina, ni nakapangyayaring awtoridad. Ang pag-ibig ng Diyos, sa isang nagpapagaling at nagbibigay-buhay na pag-agos, ay dapat dumaloy sa buhay. Dapat makita sa espiritu, mga salita, at mga gawa ng bawat manggagawa na batid niyang kumikilos siya sa lugar ni Cristo. Ang kapangyarihang tinanggap niya mula sa Dakilang Guro ay ang kapangyarihang magturo sa iba, at hindi ang mag-utos o magdikta. Siya'y dapat lumapit kay Cristo bilang isang nagnanais kung paano magturo at tumulong sa iba. TKK 210.3

Ang matiyaga at masayahing pagkakuntento ay isa sa mga “pinakamabuting kaloob” Gayundin ang lakas ng loob na tahakin ang landas ng tungkulin, kahit na inihihiwalay tayo ng daang ito sa ating mga kaibigan. Ngunit ang tibay ng paniniwala ay hindi dapat humantong sa katigasan ng ulo, na magbubunsod sa isang taong mangunyapit sa sarili niyang mga ideya. Hayaang ang lahat ay magbantay at manalangin. TKK 210.4

Ang kakayahang magsalita ay isang kahanga-hangang kaloob—isang kaloob na maaaring maging malaking kapangyarihan sa ikabubuti o iksasama. TKK 210.5

Ang pangkaisipang abilidad, mabuting panlasa, husay, kahinhinan, tunay na pagkataas—ginagamit ng Diyos sa Kanyang gawain ang mga ito. Ngunit kailangan munang malagay sila sa Kanyang saklaw. Ang presensiya ng Panginoon ay dapat na maging isang kapangyarihang nakapipigil. Siyang ang puso ay kahalo ng puso ni Cristo ay, sa pagnanasa at gawi, kasang-ayon ng kalooban ni Cristo. TKK 210.6

Taimtim nating nasain ang pinakamabuting mga kaloob, ngunit hindi ito nangangahulugang sisikapin nating maging una. Dapat nating sikapin nang taimtim ang kapangyarihang makasunod sa halimbawa ni Cristo, upang tayo'y maging mga mensahero ng ebanghelyo. Ito ang tunay na relihiyon. Dumarating ang mga tukso; mas pinahihirap ng mga pagdududa at masasamang palagay ang pagpapanatili ng espiritu ng higit na mataas na buhay; gayunpaman nais ng Panginoon na tayo'y lumakad nang matuwid sa Kanyang mapalad at banal na liwanag.— Pacific uNION RECORDER, July 26,1906 . TKK 210.7