Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Wala Nang Panahong Dapat Masayang, Hunyo 29
“Ang pag-aani ay nakaraan, ang tag-init ay tapos na, at tayo'y hindi ligtas” Jeremias 8:20. TKK 191.1
Darating ang Panginoon. Malapit nang magtapos ang kasaysayan ng lupa. Nakahanda ka bang salubungin ang Hukom ng lupa? Isipin ninyo na “ang paghuhukom ay walang awa sa mga hindi nagpakita ng awa” (Santiago 2:13). Magiging napakalungkot sa dakilang huling araw na makita silang nakilala at nakasama natin ay mahihiwalay sa atin sa walang hanggan; na makita ang mga kaanib ng ating pamilya, marahil ang ating sariling mga anak, na hindi naligtas; na matagpuan na silang dumalaw sa ating mga tahanan, at kumain sa ating hapag, ay kasama sa mga nawaglit. Pagkatapos ay tatanungin natin ang ating sarili, Ito ba'y dahil sa aking kawalan ng pagtitiyaga, sa aking disposisyong hindi maka-Kristiyano; ito ba'y dahil hindi ko napigilan ang aking sarili, na ang relihiyon ni Cristo'y nakayayamot sa kanila? TKK 191.2
Kailangang mabigyang babala ang sanlibutan tungkol sa malapit napagdating ng Panginoon. Mayroon tayong kakaunting panahon para gumawa. Lumipas na ang mga taon tungo sa walang hanggan na maaari sanang napabuti sa paghahanap muna sa kaharian ng Diyos at sa Kanyang katuwiran, at sa pagkakalat ng liwanag sa iba. Tinatawagan ng Diyos ang Kanyang bayan na may dakilang kaliwanagan, na maraming paggawa ang ginugol sa kanila, at natatag sa katotohanan na ngayo'y gumawa sila para sa kanilang sarili at sa kapwa sa paraang hindi pa nila nagagawa. Gamitin ang bawat kakayahan; pakinabangan ang bawat kapangyarihan, bawat talentong ipinagkatiwala; gamitin ang lahat ng liwanag na ibinigay ng Diyos sa inyo upang gumawa ng kabutihan sa iba. Huwag ninyong subuking maging mga tagapangaral; kundi maging mga ministro para sa Diyos. TKK 191.3
Mas mabuting nauunawaan ng mga manggagawa ang lahat ng katotohanan, makikita ito sa liwanag na kumukuha ng pansin; habang nagsisikap kayo na bigyang kaliwanagan ang iba, na ang inyong mga isip ay nasa ilalim ng banal na impluwensiya ng Espiritu ng Diyos, mababaling ang inyong pansin sa mga bagay na may kinalaman sa walang hanggan. Sa ganitong mga pagsisikap, na hinaluan ng mga panalangin para sa banal na liwanag, titibok ang inyong puso sa bumubuhay na impluwensiya ng biyaya ng Diyos; magniningas ang sarili ninyong damdamin sa banal na kataimtiman, at magiging higit na totoo ang buo mong buhay Kristiyano, higit na masikap, at higit na mapanalanginin. Sa gayo'y mananahan si Cristo sa puso, maaari kayong maging manggagawa kasama ng Diyos.— THE HOME MISSIONARY, February 1,1898 . TKK 191.4