Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

170/366

Nahipo ng Apoy, Hunyo 18

Sumagot si Juan at sinabi sa kanilang lahat, “Binabautismuhan ko kayo ng tubig, Subalit dumarating ang higit na makapangyarihan kaysa akin, Ako'y hindi karapat-dapat magkalag ng panali ng Kanyang mga sandalyas, Kayo'y babautismuhan Niya sa Espiritu Santo at sa apoy” Lucas 3:16, TKK 180.1

Kasalanan noong matandang lipunan na maghandog ng sakripisyo sa maling altar, o pahintulutan na masindihan ang insenso mula sa ibang apoy. Nasa panganib tayo ng pagsasama ng banal at ng pangkaraniwan. Dapat na gamitin ang banal na apoy mula sa Diyos sa ating mga handog. Si Cristo ang tunay na dambana, at ang Banal na Espiritu ang tunay na apoy. Dapat na mapasigla, maturuan, pangunahan, at gabayan ang mga tao ng Banal na Espiritu, at gawin silang mga ligtas na tagapayo. Kung babaling tayo mula sa mga pinili ng Diyos, nasa panganib tayo ng pagtatanong sa mga ibang diyos, at ng paghahandog sa ibang dambana Walang kabuluhan ang pinakamakapangyarihang pangangaral ng Salita sa mundo malibang itinuturo at nililiwanagan ng Espiritu silang nakikinig. Malibang gumawa ang Espiritu kasama at sa pamamagitan ng tao, hindi maliligtas ang mga tao o mababago ang mga karakter sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kasulatan. Ang pagpapanukala at pagpaplano na isinasagawa kaugnay ng gawain ay hindi dapat magkaroon ng karakter na hahatak ng pansin patungo sa sarili. Isang kapangyarihan ang Salita, isang tabak sa kamay ng tao. Ngunit ang Banal na Espiritu ang kagalingan nito, ang nabubuhay na kapangyarihan nito sa pagkilos sa mga pag-iisip. TKK 180.2

“Tuturuan silang lahat ng Diyos” (Juan 6:45). Ang Diyos ang nagpapasilay ng liwanag sa mga puso ng mga tao. Maaalala kaya ng mga kapatid Kong naglilingkod na mahalagang makilala ang Diyos bilang pinagmumulan ng ating kalakasan, at ang Banal na Espiritu bilang Mang-aaliw? Kaunti ang nagagawa ng Diyos para sa atin dahil nakakalimutan natin na nagmumula ang nabubuhay na kabutihan sa ating pagkikipagtulungan sa Banal na Espiritu.— MANUSCRIPT RELEASES, vol. 2, pp. 45, 46 . TKK 180.3

Patuloy na nagpapakita ang Espiritu sa kaluluwa ng mga tanaw ng mga bagay ng Diyos. Tila lumilipad-lipad nang malapit ang isang banal na presensiya, at kung tutugon ang pag-iisip, kung bubuksan ang pintuan, mananahan si Jesus sa tao. Gumagawa ang enerhiya ng Espiritu sa puso at pinangungunahan ang hilig ng kalooban tungo kay Jesus sa pamamagitan ng nabubuhay na pananampalataya at lubos na pagtitiwala sa banal na kapangyarihan upang loobin at gawin ang Kanyang ninanasa. Kinukuha ng Espiritu ang mga bagay ng Diyos nang kasimbilis ng pagtatalaga ng kaluluwa at pagkilos nito sangayon sa inihayag na liwanag.— Ibid., p. 46 . TKK 180.4