Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Puno ng Espiritu, Hunyo 17
At ang mga alagad ay napuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo. Gawa 13:52. TKK 179.1
Hindi masusukat sa kalakihan ang gawain ng Banal na Espiritu. Dumarating sa manggagawa para sa Diyos ang kapangyarihan at kagalingan mula sa Mapagkukunang ito; at ang Banal na Espiritu ang Mang-aaliw na siyang personal na presensiya ni Cristo sa kaluluwa. Siyang tumitingin kay Cristo sa pananampalatayang payak at katulad ng sa bata ay ginagawang kabahagi ng banal na likas sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kapag pinangungunahan ng Espiritu ng Diyos, maaaring malaman ng Kristiyano na siya ay nagawang ganap sa Kanya na pangulo ng lahat ng bagay. Kung paanong naluwalhati si Cristo noong araw ng Pentecostes, muli Siyang luluwalhatiin sa pagtatapos na gawain ng ebanghelyo, kung kailan ihahanda Niya ang isang bayan na makatagal sa huling pagsusulit, sa panghuling pagbabaka sa malaking tunggalian. TKK 179.2
Kapag naliwanagan ang lupa ng kaluwalhatian ng Diyos, makikita natin ang isang gawaing katulad doon sa ginawa ng mga alagad noong sila'y nagpahayag na puno ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan ng nabuhay na Tagapagligtas. Pinasok ng liwanag ng kalangitan ang mga may nadidilimang pag-iisip na siyang nalinlang ng mga kalaban ni Cristo, at tinanggihan ang mga bulaang paglalahad tungkol sa Kanya; sapagkat sa pamamagitan ng kakayahan ng Banal na Espiritu, ngayo'y nakita nila Siya na itinataas upang maging isang Prinsipe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at pagpapatawad ng mga kasalanan. Niluwalhati si Cristo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nasa mga tao. TKK 179.3
Ang paglalahad ni Cristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay dinala sila na makilala ang Kanyang kapangyarihan at karangyaan, at iniunat nila ang kanilang mga kamay sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya, na nagsasabi, “Naniniwala ako” Ganito noong panahon ng unang ulan; ngunit magiging higit na masagana ang huling ulan. Maluluwalhati ang Tagapagligtas ng mga tao, at maliliwanagan ang lupa ng mga maningning na sinag ng Kanyang katuwiran. Siya ang bukal ng kaliwanagan, at nagliliwanag sa bayan ng Diyos ang ilaw mula sa nakabukas na pintuan, upang maitaas nila Siya sa Kanyang maluwalhating karakter sa harapan nilang nakaupo sa kadiliman.— THE HOME MISSIONARY, November 1,1893 . TKK 179.4