Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Mga Manggagawang Kasama ng Diyos, Hunyo 7
Sapagkat kami ay mga kamanggagawa ng Diyos, kayo ang bukid ng Diyos, ang gusali ng Diyos. 1 Corinto 3:9. TKK 169.1
Ang Banal na Espiritu ang nabubuhay na kapangyarihan na dapat magpaalala tungkol sa kasalanan. Inilalahad ng kinatawan ng Diyos sa nagsasalita ang mga pakinabang ng sakripisyong ginawa sa krus; at habang naiuugnay ang katotohanan sa mga kaluluwang naroon, si Cristo mismo ang nagkakamit sa Kanila, at gumagawa upang baguhin ang kanilang likas. Nakahanda Siyang tulungan ang ating mga kahinaan, upang magturo, upang manguna, upang pukawin tayo ng mga kaisipang nagmumula sa langit. TKK 169.2
Gaano kakaunti ang magagawa ng mga tao sa gawain ng pagliligtas ng mga kaluluwa, ngunit gaano karami sa pamamagitan ni Cristo, kung sila'y napapahiran ng Kanyang Espiritu! Hindi mababasa ng taong tagapagturo ang puso ng kanyang mga tagapakinig; ngunit ibinabahagi ni Jesus ang biyaya na kailangan ng bawat kaluluwa. Nauunawaan Niya ang mga magagawa ng tao, ang kanyang kahinaan at kalakasan. Gumagawa ang Panginoon sa puso ng tao; at maaaring maging panlasa ng kamatayan tungo sa kamatayan ang ministro sa mga kaluluwang nakikinig sa kanyang mga salita, na pinalalayo sila kay Cristo; o, kung nakatalaga siya, mahiligin sa debosyon, hindi nagtitiwala sa sarili, kundi nakatingin kay Jesus, maaari siyang maging panlasa ng buhay tungo sa buhay sa mga kaluluwang nasa ilalim na ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagpapaalala sa pagkakasala natin, at sa inihahanda ng Panginoon sa kanilang mga puso ang daan para sa mga mensaheng ibinigay Niya sa tao. Sa pamamagitan nito'y nahihipo ang puso ng hindi mananampalataya, at tumutugon ito sa mga mensahe ng katotohanan. TKK 169.3
“Tayo'y mga manggagawa kasama ng Diyos.” Ang kaisipang itinanim sa puso, at ang pagpapaliwanag sa pang-unawa sa pamamagitan ng pagpasok ng Salita ay gumagawa na may sakdal na pagkakasundo. Ang katotohanang dinala sa harapan ng kaisipan ay may kapangyarihan upang gisingin ang mga natutulog na kalakasan ng kaluluwa. Ang Espiritu ng Diyos na gumagawa sa puso ay nakikipagtulungan sa paggawa ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga ginagamit na tao. TKK 169.4
Muli't muli ipinakita sa akin na ang bayan ng Diyos sa mga huling araw na ito ay hindi magiging ligtas sa pagtitiwala sa tao, at sa laman bilang kanilang pananggalang. Inilabas na sila sa mundo ng makapangyarihang panghiwa ng katotohanan na gaya ng mga magagaspang na bato na kailangang tabtabin, iskwalahin at kinisin para sa makalangit na gusali. Kailangan silang tabtabin ng mga propeta sa pamamagitan ng pagsaway, babala, pagtuturo, at payo, upang sila'y maisaayos sang-ayon sa banal na Tularan; ito ang tiniyak na gawain ng Mang-aaliw—baguhin ang puso at karakter, upang maingatan ng mga tao ang daan ng Panginoon.— THE HOME MISSIONARY, November 1,1893 . TKK 169.5