Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Nakikipagtulungan sa Kapangyarihan ng Diyos, Hunyo 6
“Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo'y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa” Gawa 1:8, TKK 168.1
Tiniyak ng Diyos na walang mapapabayaang hindi nagawa upang mabawi ang tao mula sa mga pagsusumikap ng kaaway. Pagkatapos ng pag-akyat ni Cristo sa langit. Ibinigay ang Banal na Espiritu sa tao upang tulungan ang lahat ng makikipagtulungan sa Kanya sa pagbabago sa hugis at pagkakayari ng karakter ng tao. Tiniyak ng ating Tagapagligtas ang bahagi ng Banal na Espiritu sa gawain. Sinasabi Niya, “At pagdating Niya, Kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan” (Juan 16:8). Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay ng pagsisisi, at Siya rin ang nagpapabanal. TKK 168.2
Sa kadahilanang walang makapagsisisi ng kanilang mga kasalanan hanggang sila ay hatulan, malinaw ang pangangailangan ng pakikiisa ng Espiritu sa atin sa ating gawain na maabot ang mga nagkasala. Walang kabuluhan ang paggamit sa lahat ng kakayahan ng tao malibang nakiisa tayo sa mga makalangit na katalinuhan. Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa bumubuhay na katotohanan, at sa nakakabulok na impluwensiya ng kamalian, bumabagsak ang mga tao na napakababa sa kailaliman ng makasalanang pagkapahamak. Dapat na gumawang may pagkakasundo ang mga anghel at ang mga tao upang ituro ang mga katotohanan ng Diyos sa kanilang walang nalalaman dito, upang sila'y mapalaya mula sa tanikala ng kasalanan. Tanging ang katotohanan ang nagpapalaya sa mga tao. Ang kalayaang ito sa pamamagitan ng pagkakaalam ng katotohanan ay dapat na ipahayag sa bawat nilalang. TKK 168.3
Si Jesu-Cristo, ang Diyos mismo, at ang mga anghel sa langit ay may pagmamalasakit sa malaki at banal na gawaing ito. Binigyan ang tao ng mataas na pribilehiyo ng paglalahad ng banal na karakter sa pamamagitan ng hindi makasariling pagsali sa pagsisikap na iligtas ang tao mula sa hukay ng pagkawasak na kanyang kinalugmukan. Ang bawat tao na magpapasakop upang maliwanagan ng Banal na Espiritu ay magagamit para sa pagtapos nitong layuning binuo ng Diyos. Si Cristo ang ulo ng iglesya, at lalo Siyang maluluwalhati na ang bawat bahagi ng iglesya ay nasasangkot sa gawain ng pagliligtas ng mga kaluluwa. TKK 168.4
Ngunit kailangang mag-iwan ang mga manggagawa ng lugar upang makakilos ang Banal na Espiritu, upang mapagsama ang mga manggagawa, at kumilos pasulong sa kalakasan ng isang nagkakaisang hukbo ng mga kawal. Alalahanin ng lahat na tayo'y “panoorin ng sanlibutan, ng mga anghel, at ng mga tao.” (1 Corinto 4:9).— (AUSTRALASIAN) UNION CONFERENCE RECORD, April 1,1898 . TKK 168.5