Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Lubhang Kailangan ang Pakikipagtulungan ng Tao, Hunyo 8
“Sapagkat, ‘Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas’ Ngunit paano nga silang tatawag sa Kanya na hindi nila sinampalatayanan?
At paano sila sasampalataya sa Kanya na hindi nila napakinggan?
At paano sila makikinig kung walang mangangaral?” Roma 10:13,14,
TKK 170.1
Gumugol ang Diyos ng kamangha-manghang mga sakripisyo sa mga tao, at makapangyarihang mga enerhiya para mabawi ang tao mula sa paglabag at pagkakasala patungo sa katapatan at pagsunod; ngunit ipinakita sa akin na wala Siyang ginagawa na hindi nakikipagtulungan sa mga tao. Ibinigay sa napakayamang sukat ang bawat biyaya at kapangyarihan at kagalingan, at ang pinakamalakas na mga motibo upang gisingin at panatilihing nabubuhay sa puso ng tao ang espiritu ng misyonero, upang mapagsama ang kapangyarihan ng Diyos at ng tao.... TKK 170.2
Paano mo ginamit ang mga kaloob ng Diyos? Ibinigay Niya ang mga puwersang nagpapakilos na sa pamamagitan nito'y nanahan Siya sa inyong mga puso, upang sa pagtitiyaga at pag-asa at walang kapagurang pagbabantay ay maaari ninyong maihayag si Jesu-Cristo at Siyang napako sa krus, na inyong maipadala ang babala na darating si Cristo sa pangalawang pagkakataon na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, na tinatawag ang mga tao na magsisi sa kanilang mga kasalanan.... TKK 170.3
Paano gumawa ang Banal na Espiritu sa inyong mga puso? Sa pamamagitan ng enerhiya ng Banal na Espiritu, inuudyukan kayo nito na gamitin ang mga talentong ibinigay sa inyo ng Diyos, na dapat gamitin ng bawat lalaki, babae, at kabataan ang mga talentong ito upang ipahayag ang katotohanan para sa kapanahunang ito, na gumagawa ng mga personal na pagsisikap, humahayo sa mga lunsod kung saan hindi pa nakakarating ang katotohanan at itinataas ang watawat. Sa pagpapalang ibinigay sa inyo ng Diyos, hindi ba't napalakas ang inyong mga enerhiya, at higit na malalim na naidiin ang katotohanan sa inyong mga kaluluwa, at ang mahalaga nitong kaugnayan sa mga kaluluwang nangamamatay nang walang Cristo? Kayo ba'y mga saksi para kay Cristo sa higit na kakaiba at tiyak na pamamaraan, pagkatapos ng malinaw na paghahayag ng pagpapala ng Diyos sa inyo? TKK 170.4
Gawain ng Banal na Espiritu na dalhin sa inyong mga isip ang mahahalaga at buhay na katotohanan. Nararapat bang balutin sa panyo at ibaon sa lupa ang dagdag na pagpapalang ito? Hindi, hindi, dapat itong dalhin sa mga mamimili; at habang ginagamit ng isang tao ang kanyang mga talento, gaano man kaliit, kinukuha ng Banal na Espiritu ang mga bagay ng Diyos, at ibinibigay silang muli sa pag-iisip. Ginagawa Niyang isang bumubuhay na kapangyarihan ang napabayaang Salita. Sa pamamagitan ng Espiritu, ito'y nagiging buhay at makapangyarihan sa mga kaisipan, hindi dahil sa katalinuhan, iyong kapangyarihan ng tao sa pagtuturo, kundi dahil gumagawa ang banal na kapangyarihan sa tao, at sa Diyos ang lahat ng karangalan.— THE HOME MISSIONARY, November 1,1893 . TKK 170.5