Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

156/366

Mga Kinatawan ni Cristo, Hunyo 4

Kaya't kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang Diyos ay nananawagan sa pamamagitan namin. Kami'y nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Diyos. 2 Corinto 5:20. TKK 166.1

Tayo'y mga kinatawan ni Cristo, at kailangan nating mabuhay, hindi upang mapanatili ang ating reputasyon, kundi iligtas ang mga kaluluwang malapit nang mamatay mula sa pagkapahamak. Dapat na araw-araw nating pagsisikap ay ang maipakita sa kanila na maaari nilang makamit ang katotohanan at katuwiran. Imbes na sikaping kunin ang simpatya para sa ating mga sarili, sa pamamagitan ng pagbibigay ng impresyon na hindi tayo pinapahalagahan, kailangang lubos nating kalimutan ang ating sarili; at kung mabibigo tayong gawin ito, sa pamamagitan ng kakulangan ng espiritwal na pagkilala at buhay na kabanalan, hahanapin ng Diyos sa ating mga kamay ang mga kaluluwa na dapat ay pinagsikapan natin. Naghanda Siya ng mapagkukunan upang magkaroon ng biyaya at karunungan ang bawat manggagawa sa Kanyang paglilingkod, upang siya'y maging buhay na liham, na nakikilala at binabasa nila. TKK 166.2

Sa pamamagitan ng pagbabantay at panalangin maaari nating magawa iyong binabalak ng Panginoon na magawa natin. Sa pamamagitan ng tapat at masusing paggawa ng ating tungkulin, sa pamamagitan ng pagbabantay para sa mga kaluluwa na tulad nilang kinakailangang magsulit, maaari nating matanggal ang bawat katitisurang bato sa daan ng iba. Sa pamamagitan ng masikap na pagbababala at pagsusumamo, na ang sarili nating mga kaluluwa'y lumalabas sa magiliw na pagmamalasakit para sa kanilang nakahanda nang mamatay, maaari nating makamit ang mga kaluluwa para kay Cristo. TKK 166.3

Nais ko sanang maalala ng lahat ng kapatid na seryosong bagay ang dalamhatiin ang Banal na Espiritu, at ito'y napipighati ito kapag gumagawa ang tao sa kanyang sarili, at tumatangging pumasok sa paglilingkod ng Panginoon dahil labis na mabigat ang krus o masyadong malaki ang kinakailangang pagtanggi sa sarili. Ninanasa ng Banal na Espiritu na manahan sa bawat kaluluwa. Kung tatanggapin ito bilang panauhing pandangal, gagawing ganap kay Cristo silang tumatanggap dito. Ang mabuting gawain na sinimulan ay matatapos; papalitan ng banal na pag-iisip, makalangit na pagmamahal, at pagkilos na katulad kay Cristo ang mga mahahalay na kaisipan, likong damdamin, at pag-aalsa. TKK 166.4

Ang Banal na Espiritu ay isang banal na tagapagturo. Kung susundin natin ang mga aral nito, magiging matalino tayo sa kaligtasan. Ngunit kailangan nating bantayang mabuti ang ating mga puso, dahil labis na madalas nating nakakalimutan ang makalangit na turo na ating tinanggap, at nagsisikap na ilabas ang mga likas na hilig ng ating mga hindi nakatalagang pag-iisip. Kailangang ipaglaban ng bawat isa ang sarili niyang pakikidigma laban sa sarili. Pakinggan ninyo ang mga turo ng Banal na Espiritu. Kung ito'y gagawin, gagawin sila nang paulit-ulit hanggang magawa ang mga impresyon na tulad ng “tingga sa bato magpakailanman”—COUNSELS ON HEALTH, pp. 560, 561. TKK 166.5