Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

127/367

Nagbigay sa Kanya ng Kaluguran ang Pagiging Simple Niya, 5 Mayo

Lumago si Jesus sa karunungan, sa pangangatawan, at nagging kalugud-lugod sa Dios at sa mga tao. Lucas 5:52. LBD 130.1

Ang pagiging simple ng buhay ni Cristo, at ang Kanyang kawalan ng pagmamataas at walang kabuluhan, ang nagbigay sa kanya ng pabor sa Diyos at sa tao. Hindi Niya hinangad na maakit ang pansin para makilala.—The Youth’s Instructor, September 1, 1873. LBD 130.2

Ang buhay ni Cristo ay lumipas sa pagiging simple at kadalisayan. . . . Dakila ang kanyang karunungan, ngunit ito ay tulad sa bata, at lumago habang tumatagal ang Kanyang buhay. Kakikitaan ang Kanyang pagkabata ng kakaibang kaamuhan, at kariktan. Puno ang kanyang karakter ng kagandahan, at walang humpay na kasakdalan.— The Youth’s Instructor, April 1, 1872. LBD 130.3

Makikita natin sa buhay ni Cristo ang tanging ligtas na huwaran para sa lahat ng mga bata at kabataan. Kapag nakahandang lumaban ang mga bata sa awtoridad ng magulang, hinahatulan sila ng buhay ng kanilang Manunubos, na naging isang bata Siya minsan, at naging masunurin sa Kanyang mga magulang. Sa anong napapansing pagkakaiba ang karakter ng mga bata ngayon. Nabubuhay ang karamihan sa mga bata para sa kanilang sariling kasiyahan, para sa layunin ng pagtatanghal. Nagsisikap ang ilan na gumawa ng mga napakatalinong pananalita, upang maakit nila ang pansin ng iba. Nag-iisip ang ilan na masusukat ang kanilang halaga sa pamamagitan ng kanilang hitsura. Masyado silang maayos sa kanilang pananamit, at naglalaan ng maraming oras at pananalapi para sa pagtatanghal, upang mahikayat nila ang pansin, habang wala silang oras para sa, at interes sa, lihim na panalangin. Pinababayaan nila ang panloob na kagandahan, ang gayak ng isang maamo at tahimik na espiritu, na, ayon sa apostol, napakahalaga sa paningin ng Diyos. . . . LBD 130.4

Talagang karaniwan ang kayamanan at pananamit na, habang maaari itong pumukaw ng inggit, wala silang kapangyarihang makakuha ng tunay na paggalang at paghanga. Ang isa ng nalinang na isipan, na pinalamutian ng biyaya ng kaamuhan at kababaang-loob, ng dalisay at matuwid na puso, ay makikita sa mukha, at tatanggap ng pag-ibig at paggalang.— The Youth’s Instructor, September 1, 1873. LBD 130.5

Kung ang kabataan ay magiging malakas sa isip, dalisay sa moralidad, at matatag sa espirituwal na kapangyarihan, hayaan silang gayahin ang halimbawa ni Jesus sa Kanyang pagiging simple, sa Kanyang pagsuko sa pangangalaga ng magulang.— The Youth’s Instructor, July 14, 1892. LBD 130.6