Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

125/367

Naging Masunurin at Magalang Siya, 3 Mayo

Bagama’t siya’y isang Anak, siya’y natuto ng pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang tiniis. Hebreo 5:8. LBD 128.1

Kung nais ninyong maipakita ang buhay at karakter ni Cristo, magiging totoo at masunurin kayo sa inyong mga magulang. Ipakikita ninyo ang inyong pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng inyong kusang pagsunod.— The Youth’s Instructor, August 30, 1894. LBD 128.2

Walang sinuman ang maaaring maging tunay na mabuti at dakila na hindi natutuhang isuko ang kanyang kalooban, una sa kanyang mga magulang, at pagkatapos ay sa Diyos, at sumunod nang may kaligayahan. Ang mga natututong sumunod lamang ang mga tanging angkop lamang na mag-utos. LBD 128.3

Sa pagkatuto ng mga liksyon ng pagsunod, hindi lamang gumagalang ang mga bata sa kanilang mga magulang at pinagagaan ang kanilang mga pasanin, kundi sila rin ay nakalulugod sa Isa na mas mataas ang awtoridad. Ang “igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” ay isang positibong utos. Ang mga batang tinatrato ang kanilang mga magulang na walang paggalang, at binabale-wala ang kanilang mga hangarin, ay hindi lamang sila inilalagay sa kahihiyan, kundi nilalabag din nila ang kautusan ng Diyos. Ang mas maagang pagpapasakop ng kalooban sa kalooban ng mga magulang, at kung mas lubos ang pagpapasakop, ay mas madaling magpasakop sa mga utos ng Diyos. At walang makaaasa sa pag-ibig at pagpapala ng Diyos na hindi natututo sa pagsunod sa Kanyang mga utos, at matatag na tumayo laban sa tukso.— The Youth’s Instructor, September 24, 1884. LBD 128.4

Ang buhay Niya [ni Cristo] ay nakitaan ng katatagan, at Siya rin kailan man ay magalang at masunurin.— The Youth’s Instructor, September 1, 1873. LBD 128.5

Isa Siyang perpektong huwaran para sa lahat ng mga kabataan. Sa lahat ng panahon ay ipinakita Niya ang paggalang at paggalang. Hindi kailan man magdadala ang relihiyon ni Jesus ng sinumang bata sa pagiging bastos at walang pakundangan.— The Youth’s Instructor, September 8, 1898. LBD 128.6

Ang walang-hanggang Mata ay may kakayahang saliksikin ang puso, at basahin ang bawat depekto sa karakter. Hindi Niya sinusukat ang kabataan ayon sa kanilang panlabas na anyo, kundi sa kabutihan na taglay nila sa puso, na maaari lamang makuha sa pamamagitan ng pagbabantay at pananalangin. LBD 128.7

. . . Tinatandaan Niya ang kanilang pakikitungo sa kanilang mga magulang at buong pamilya. Kung sila ay magalang, mabait, mapagmahal, at tunay na magalang, . . . mahalagang nakatala sa mga aklat ng Langit ang kanilang mga karakter.— The Youth’s Instructor, September 1, 1873. LBD 128.8