Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

124/367

Nagpasakop Siya sa Awtoridad ng Magulang, 2 Mayo

Umuwi siyang kasama nila, at dumating sa Nazaret at naging masunurin sa kanila. Lucas 2:51. LBD 127.1

Inangkin ni Jesus ang Kanyang pagiging anak mula sa Walang-hangganan. . . . Gumising ng mga bagong damdamin ang Kanyang unang pagdalaw sa templo. Ang lahat ng mga obligasyon sa mundo ay, para sa oras na iyon, nawala sa paningin; ngunit dahil sa kaalaman ng Kanyang banal na misyon, at ng Kanyang pakikiisa sa Diyos, hindi Niya nilabanan ang awtoridad ng Kanyang mga magulang. Sa kanilang kahilingan ay bumalik Siya sa kanila bilang isang tapat, masunuring anak na lalaki, at tinulungan sila sa kanilang buhay ng mabigat na trabaho. Inilibing niya sa Kanyang sariling puso ang lihim ng Kanyang misyon sa hinaharap, maamong naghihintay hanggang sa panahon na ang Kanyang pampublikong ministeryo ay dapat magsimula bago ipahayag sa mundo na Siya ang Mesiyas. Nagpasakop Siya sa paghihigpit ng magulang, sa loob ng labing-walong taon matapos Niyang kilalaning Siya ang Anak ng Diyos, at nabuhay nang simple at karaniwang buhay ng isang taga-Galilea, na nagtatrabaho sa kalakalan ng karpintero. . . . Nagpailalim Siya sa pangangalaga ng magulang sa loob ng tatlumpung taon. . . . LBD 127.2

Karaniwan para sa mga bata, kahit na sa mga Cristianong magulang, na kung hindi lampas sa labindalawang taong gulang, ay madama nilang dapat silang pahintulutang sundin ang kanilang sariling mga kagustuhan. At ang mga magulang ay handang mapatnubayan ng kanilang mga anak, sa halip na mamuno sa kanila. . . . Dahil dito, marami sa mga kabataan ay may mga gawi ng pagkamakasarili at katamaran. Ang mga ito ay hambog, mapagmataas, at matigas ang ulo.— The Youth’s Instructor, September 1, 1873. LBD 127.3

Kapag tinitingnan natin ang Kanyang matiyagang pagtanggi sa sarili, ang Kanyang pag-urong mula sa lahat ng masasamang gawain, na inilalaan ang Kanyang sarili sa Kanyang pang-araw-araw na paggawa sa isang mapagpakumbabang katayuan, gaano kagandang liwanag ang ibinubuhos sa Kanyang buhay! Gaano kalinaw na itinuturo ang landas na dapat lakaran ng mga bata at kabataan! . . . Hindi nabawasan ang pagiging Anak ng Diyos ni Jesus sa Kanyang mapagpakumbabang tahanan, sa Kanyang pagpapasakop sa Kanyang mga magulang, kaysa panahong nagsalita ang Diyos mula sa Kanyang walang-hanggang trono, na sinasabing, “Ito ang minamahal kong Anak.”— The Youth’s Instructor, July 14, 1892. LBD 127.4

Sinisiguro ng buhay ni Cristo ang pagpapalang magpakailan man ay nasa buhay ng masayang pagpapasakop sa pag-aalaga ng magulang at buhay ng pisikal at pang-isipang industriya.— The Youth’s Instructor, September, 1873. LBD 127.5