Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

123/367

Mayo—Tayo Ay Sumusunod sa Sakdal na Huwaran

Dumepende Siya Nang Lubos sa Kapangyarihan ng Diyos.1 Mayo

Kaya’t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kanyang sarili kundi ang nakikita niyang ginagawa ng Ama. Sapagkat ang lahat ng mga bagay na kanyang ginagawa ay siya ring ginagawa ng Anak. Juan 5:19. LBD 126.1

Si Jesus ang perpektong huwaran, at ito ay tungkulin at pribilehiyo ng bawat bata at kabataan na gayahin ang huwaran. Dapat tandaan ng mga bata na inangkin ng batang si Jesus para sa Kanyang Sarili ang likas ng tao, at nasa wangis ng makasalanang laman, at tinukso ni Satanas gaya ng pagtukso sa lahat ng mga bata. Kinaya Niyang labanan ang tukso ni Satanas sa pamamagitan ng Kanyang lubos na pagdepende sa banal na kapangyarihan ng Kanyang Ama na nasa langit, dahil Siya ay nagpasakop sa Kanyang kalooban, at naging masunurin sa lahat ng Kanyang mga utos. Iningatan Niya ang mga panuntunan, mga tuntunin, at mga batas ng Kanyang Ama. Patuloy Siyang humihingi ng payo ng Diyos, at naging masunurin sa Kanyang kalooban. LBD 126.2

Tungkulin at pribilehiyo ng bawat batang sundan ang mga yapak ni Jesus. . . . Masisiyahan ang Panginoong Jesus na magkaroon ng mga batang hihingi sa Kanya ng bawat espirituwal na biyaya, na magdadala ng lahat ng mga kalituhan at pagsubok nila sa Tagapagligtas; sapagkat alam Niya kung paano tutulungan ang mga bata at kabataan, dahil Siya ay naging bata mismo, at minsan ay nakaranas ng lahat ng mga pagsubok, pagkabigo, at mga kaguluhang pinagdaraanan ng mga bata at kabataan. Ibinibigay ang pangako ng Diyos sa lahat ng mga bata at kabataan tulad rin sa mga may edad na. LBD 126.3

Sa tuwing nagbibigay ang Diyos ng isang pangako, hayaan ang mga bata at kabataang gawin itong isang petisyon, at hilingin sa Panginoon na gawin ang mga bagay na iyon para sa kanila sa kanilang karanasan, na ginawa rin Niya kay Jesus, ang Kanyang bugtong na Anak, nang nasa pangangailangan ng tao Siya ay tumingin sa Diyos, humihingi ng mga bagay na kailangan Niya. Bawat pagpapalang ipinagkaloob ng Ama para sa mga may higit na karanasan, ay ibinigay para sa mga bata at kabataan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.— The Youth’s Instructor, August 23, 1894. LBD 126.4