Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

122/367

Mula sa Alipin ng Kasalanan, Tungo sa Pagiging Prinsipe ng Diyos, 30 Abril

Sinabi niya, Ang iyong pangalan ay hindi na tatawaging Jacob, kundi Israel; sapagkat ikaw ay nakipaglaban sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay. Genesis 32:28. LBD 125.1

Nang gabing iyon si Jacob, ang paboritong anak ng kanyang ina, ay nakaranas na ipanganak muli at naging anak ng Diyos. Sa kanyang kalagayang nanghihina ang loob ang liwanag na dumating sa kanya ay itinuring na pinakamahalaga, at ang matigas na bato kung saan nagpahinga ang kanyang ulo ay ang pinakakanais-nais na unan ng kanyang ulo.— Manuscript 85, 1908. LBD 125.2

Napakasayang tao niya! Alam niyang nagkaroon siya ng komunikasyon mula sa Diyos. At sinuman sa atin na tumanggap ng liwanag mula sa trono ng Diyos, ay hindi maaaring hindi magkaroon ng pusong puno ng papuri, at pasasalamat, at karangalan sa Panginoong Diyos ng langit.— Manuscript 86, 1894. LBD 125.3

Si Jacob, sa malaking krisis ng kanyang buhay, ay huminto para manalangin. Napuno siya ng isang hindi mapigilang layunin,—ang humiling ng pagbabago sa karakter. Ngunit samantalang nagsusumamo siya sa Diyos, isang kaaway, ayon sa kanyang paniniwala, ay ipinatong ang kanyang kamay sa kanya, at nakipagbuno siyang magdamag alang-alang sa kanyang buhay. LBD 125.4

Ngunit hindi nabago ang layunin ng kanyang kaluluwa dahil sa panganib sa kanya mismong buhay. Nang halos wala na siyang lakas, inilabas ng Anghel ang Kanyang banal na kapangyarihan, at sa Kanyang paghawak, nalaman ni Jacob kung sino Siya na kanyang kalaban. Sugatan at nanghihina, nabuwal siya sa dibdib ng Tagapagligtas, nagsusumamo para sa isang pagpapala. Hindi kayang ibahin ang kanyang pag-iisip, o patigilin sa kanyang pamamagitan, at ipinagkaloob ni Cristo ang petisyon ng walang-kakayahan at nagsisising kaluluwa, ayon sa Kanyang pangako, “Kumapit sila sa akin upang mapangalagaan, makipagpayapaan sila sa akin. . . .” Nakiusap si Jacob na may determinadong espiritu, “Hindi kita bibitawan malibang ako ay mabasbasan mo.” Ang diwa ng pagtitiyaga ay kinasihan Niyang nakipagbuno sa patriyarka. Siya ang nagbigay sa kanya ng tagumpay, at binago Niya ang kanyang pangalan mula kay Jacob patungong Israel, na nagsasabing, “Sapagkat ikaw ay nakipaglaban sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.” Na para doon si Jacob ay walang katuturang nakipagbuno ayon sa kanyang sariling lakas, ay nanaig sa pamamagitan ng pagsuko ng sarili at matatag na pananampalataya.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 144. LBD 125.5