Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Ginantimpalaan ang “Pananampalataya sa Biyaya ng Diyos” ng Bulag na si Bartimeo 29 Abril
Pagkatapos sinabi sa kanya ni Jesus, Ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo? Sinabi ng lalaking bulag, Rabonni, ibig kong muling makakita. Marcos 10:51. LBD 124.1
Kapag nadama lamang ng makasalanan ang pangangailangan niya sa Tagapagligtas, na lalapit ang kanyang puso sa Isang makatutulong sa kanya. Nang nabuhay si Jesus kasama ang mga tao, iyong mga maysakit ang may kailangan ng manggagamot. Ang mahihirap, ang nagdurusa at namimighati, ang sumunod sa Kanya, upang makatanggap ng tulong at kaginhawaang hindi nila masusumpungan sa ibang lugar. Naghihintay sa tabi ng daan ang bulag na si Bartimeo; naghintay siya nang matagal upang katagpuin si Cristo. LBD 124.2
Maraming taong may paningin ang dumaraan nang pabalik-balik, ngunit wala silang hangaring makita si Jesus. Isang tingin ng pananampalataya ang aantig sa Kanyang mapagmahal na puso, at bibigyan sila ng mga pagpapala ng Kanyang biyaya; ngunit hindi nila alam ang karamdaman at kakulangan ng kanilang mga kaluluwa, at hindi nila nadarama ang pangangailangan nila kay Cristo. Hindi ganito sa kawawang bulag na lalaki. Na kay Jesus ang tangi niyang pag-asa. Habang naghihintay siya at nagbabantay, narinig niya ang yabag ng maraming mga paa, at sabik siyang nagtanong, Ano ang ibig sabihin ng ingay ng paglalakad na ito? Ang mga nakatambay sa tabi ay sumagot na “Si Jesus ng Nazareth ay dumaraan.” Sa kasabikan ng matinding pangangailangan, siya ay sumigaw, “Jesus, Anak ni David, mahabag ka sa akin!” Sinikap nilang patahimikin siya, subalit mas masigasig siyang sumigaw, “Anak ni David, mahabag ka sa akin!” Narinig ang panawagang ito. Ginantimpalaan ang kanyang matiyagang pananampalataya. Hindi lamang ang pisikal na paningin ang naibalik, ngunit nabuksan din ang mga mata ng kanyang pag-unawa. Nakita niya kay Cristo ang kanyang Manunubos, at nagliwanag sa kanyang kaluluwa ang Araw ng Katuwiran. Ang lahat ng nakararamdam ng kanilang pangangailangan kay Cristo gaya ng bulag na si Bartimeo, at kung sinuman ang magiging maalab at masigasig tulad niya, ay, gaya niya, makatatanggap ng pagpapalang hinangad nila. LBD 124.3
Ang mga nagdurusa, naghihirap na naghahangad kay Cristo bilang tumutulong sa kanila, ay nahalina sa banal na kasakdalan, sa kagandahan ng kabanalan, na nagliliwanag sa Kanyang karakter.— The Review and Herald, March 15, 1887. LBD 124.4
Ang mga tumatanggap kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya ay makatatanggap din ng kapangyarihan upang maging mga anak ng Diyos.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 1, p. 1110. LBD 124.5