Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

120/367

Pagtubos sa Pamamagitan ng Mayamang Biyaya ng Diyos, 28 Abril

Sa kanya’y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya, na pinasagana niya sa atin sa lahat ng karunungan at pagkaunawa. Efeso 1:7, 8. LBD 123.1

Siya [Cristo] ay dumating . . . upang itaas at padakilain ang ating mga kakayahang pangkaisipan, upang ang ating mga pagsisikap sa buhay na ito ay hindi maaaring mag-iba ng landas at mawala. . . . LBD 123.2

Pumarito ang Panginoong Jesus upang palakasin ang bawat maalab na naghahanap ng katotohanan, dumating Siya upang ihayag ang Ama. Hindi Niya pinayagang lumihis ang isip Niya mula sa dakilang gawain ng pagpapanumbalik ng moral na larawan ng Diyos sa tao. At dapat nating makitang ang dakila at mahalagang gawain para sa atin ay tanggapin ang banal na wangis, upang maghanda ng isang karakter para sa buhay sa hinaharap. Dapat nating ihanda ang mga makalangit na katotohanan sa ating espesyal na paggamit sa praktikal na buhay. At maaaring nating dalhin ang lahat ng kayamanan ng kaalamang nagbibigay sa atin ng kakayahan para sa buhay na katulad ng buhay ng Diyos. LBD 123.3

Ang kaalaman tungkol sa Diyos ay kasintaas ng langit, at kasinlawak ng lupa. . . . Tanging ang mga nagbabasa ng Kasulatan bilang tinig ng Diyos na nakikipag-usap sa kanila ang mga tunay na mag-aaral. Nanginginig sila sa Salita ng Diyos; dahil para sa kanila isang buhay na katotohanan ito. Nag-aaral sila, naghahanap sila ng nakatagong kayamanan. Binubuksan nila ang pagunawa at puso upang tumanggap, at nananalangin sila para sa biyaya ng langit, upang makuha nila ang paghahanda para sa kinabukasan, sa buhay na walang kamatayan. Kapag ilnilagay sa kanyang mga kamay ang sulo ng langit, nakikita ng tao ang kanyang sariling karupukan, ang kanyang kahinaan, at ang kanyang kawalan ng pag-asa sa pagtingin sa kanyang sarili para sa katuwiran. Nakikita niyang walang anumang bagay sa kanyang sarili ang mairerekomenda niya sa Diyos. Nanalangin siya para sa Banal na Espiritu, ang kinatawan ni Cristo, upang maging kanyang palaging gabay, upang patnubayan siya sa lahat ng katotohanan. . . . Ang lahat ng kaalamang nakuha sa pansamantalang buhay na ito na mag-aangkop sa atin para maging mga kasamahan ng mga banal sa liwanag ay tunay na edukasyon. Nagdudulot ito ng mga pagpapala sa ating sarili at sa iba pa sa buhay na ito, at magliligtas sa atin para sa hinaharap na buhay na walang kamatayan, na kasama ang lahat ng mga hindi nasisirang kayamanan.— The Youth’s Instructor, October 27, 1898. LBD 123.4

Si Cristo ay may isang imbakan ng kayamanang puno ng mahahalagang regalo para sa bawat kaluluwa.— Ellen G. White Manuscript 50, 1893. LBD 123.5