Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Kailangang Pakainin ang Isipan ng Dalisay na Pagkain, 11 Abril
Bawat salita ng Diyos ay subok na totoo, siya’y kalasag sa kanila na kumakanlong sa kanya. Kawikaan 30:5. LBD 106.1
Marami ang madaling maaliw sa mga aklat na may kuwento. Ang isip ay napuno ng isang murang uri ng pagkain para sa pagbubulay-bulay, upang ito ay mawalan ng kapangyarihang maghanap at maunawaan ang mismong mga bagay na may kinalaman sa mga walang-hanggang interes. Nag-utos ang Panginoon sa mga bata at kabataang hanapin ang katotohanang tulad ng nakatagong kayamanan, at maakit at humanga sa mga bagay na nagbubuklod ng tao sa banal.— The Youth’s Instructor, August 31, 1887. LBD 106.2
Kailangang pakainin ng dalisay na pagkain ang isip kung nais na maging dalisay ang puso. . . . Ang Biblia ay ang pamantayan para sa mga kabataang maging matapat sa Hari ng langit. “Iningatan ko ang iyong salita sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban sa iyo.”— The Youth’s Instructor, August 3, 1887. LBD 106.3
Imposible para sa mga kabataan na magkaroon ng malusog na tono ng pag-iisip, at mga wastong prinsipyo sa relihiyon, malibang binabasa nila ang Salita ng Diyos. Naglalaman ang aklat na ito ng pinakanakawiwiling kasaysayan, itinuturo ang paraan ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo, at ang kanilang gabay sa isang mas mataas, at mas mahusay na buhay.— Testimonies for the Church, vol. 2, pp. 410, 411. LBD 106.4
Binibigyan ng Biblia ang tunay na naghahanap ng isang nangungunang disiplina sa isipan, at siya ay natatapos sa pagmumuni-muni ng mga bagay na banal na pinaunlad ang kanyang mga kakayahan sa isipan; ang sarili ay nagpakumbaba, samantalang ang Diyos at ang Kanyang inihayag na katotohanan ay itinaas. . . . Naglalaman ang Biblia ng tamang katangian ng pagkaing kailangan ng Cristiano, upang lumago siyang malakas sa espiritu at pag-iisip. . . . Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia, maaaring makipag-usap sa mga patriyarka at mga propeta. Nadamitan ang katotohanan ng mataas na wika, na nagpapakita ng isang kamangha-manghang kapangyarihan sa isipan; ang pag-iisip ay itinaas mula sa mga bagay ng mundo, at dinala upang pag-isipan ang kaluwalhatian ng hinaharap na buhay sa walang kamatayang hinaharap.— The Review and Herald, August 21, 1888. LBD 106.5
Hayaang ang pag-iisip, ang kakayahan, ang masigasig na paggamit ng kapangyarihan ng utak, ay ituon sa pag-aaral ng mga kaisipan ng Diyos.— Testimonies for the Church, vol. 8, p. 319. LBD 106.6