Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Masunurin kay Cristo ang Bawat Isipan, 10 Abril
Aming ginigiba ang mga pangangatuwiran at bawat palalong hadlang laban sa karunungan ng Diyos, at binibihag ang bawat pag-iisip upang sumunod kay Cristo. 2 Corinto 10:5. LBD 105.1
Dinadalisay ng Diyos ang puso tulad ng pagpapahangin natin sa isang silid. Hindi natin isinasara ang mga pinto at bintana, at binubuhusan ito ng panlinis ng hangin; kundi binubuksan natin ang mga pinto at bubuksan ang mga bintana, at pinapapasok ang naglilinis na kapaligiran ng langit. . . . Ang mga bintana ng silakbo, ng damdamin ay dapat na mabuksan patungo sa langit, at dapat na maalis ang alikabok ng pagkamakasarili at kalupitan. Kailangang walisin ng biyaya ng Diyos ang mga silid ng isipan, ang imahinasyon ay dapat magkaroon ng mga makalangit na tema para sa pagmumuni-muni, at ang bawat elemento ng kalikasan ay dapat na linisin at buhayin ng Espiritu ng Diyos.— Ellen G. White Manuscript 3, 1892. LBD 105.2
Ang mga kaisipan ay dapat na nakagapos, pinagbawalan, mailayo mula sa paghihiwalay at pag-iisip ng mga bagay na nagpapahina lamang at marurungisan ang kaluluwa. Dapat maging dalisay ang mga saloobin, dapat na maging malinis ang mga meditasyon ng puso. . . . Binigay sa atin ng Panginoon ang mga marangal na kapangyarihan ng pag-iisip, upang magamit natin ang mga ito sa pagninilay sa mga bagay sa kalangitan. Ginawa ng Diyos ang masaganang pagkakaloob na ang kaluluwa ay maaaring gumawa ng tuluy-tuloy na pag-unlad sa banal na buhay. . . . LBD 105.3
Pinalilipas natin ang ating oras at pag-iisip sa mga bagay na walang kabuluhan at pangkaraniwan sa mundo, at pinababayaan ang mga dakilang bagay na nauukol sa buhay na walang-hanggan. Ang mga marangal na kapangyarihan ng isip ay humina at pinarupok sa pamamagitan ng kakulangan ng ehersisyo sa mga temang karapat-dapat ng kanilang konsentrasyon. “Anumang bagay na totoo, anumang bagay na kagalang-galang, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na kapuri-puri, kung mayroong anumang nararapat papurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.” . . . Habang binubulay-bulay natin ang mga kasakdalan ng ating banal na Modelo, hahangarin nating maging ganap na magbagong-anyo at mabago sa larawan ng Kanyang kadalisayan. Tayo ay tinawag upang lumabas at maging hiwalay sa mundo upang tayo ay maging mga anak na lalaki at anak na babae ng Kataas-taasan.— The Review and Herald, June 12, 1888. LBD 105.4