Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

101/367

Lumalakas ang Isipan sa Patuloy na Pagsisikap, 9 Abril

Ang taong pantas ay mas makapangyarihan kaysa sa malakas, at ang taong may kaalaman kaysa sa may kalakasan. Kawikaan 24:5. LBD 104.1

Ibigay ninyo inyong pinakamataas na kapangyarihan sa inyong pagsisikap. Humingi kayo ng tulong mula sa pinakamakapangyarihang mga motibo. Kayo ay natututo. Magsikap na abutin ang nasa pinakailalim ng lahat ng bagay na nasa inyong kamay. Huwag layunin kailan man na ang maging mas mababa kaysa maging mahusay sa mga bagay na inyong ginagawa. Huwag ninyong hayaan ang inyong mga sariling masanay sa ugaling mapagpaimbabaw at pabaya sa inyong mga tungkulin at pag-aaral; sapagkat titibay ang inyong mga ugali at mawawalan kayo ng kakayahang gumawa nang mas mabuti. Ang isip ay natural na natututong masiyahan sa mga bagay na kaunting pag-aalaga at pagsisikap ang kailangan, at maging kontento sa isang bagay na mura at mas mababa ang kalidad. Mayroong mga kabataang lalaki at mga kabataang babaeng may malalim na kaalamang hindi pa ninyo nalaman, at nasisiyahan at nagmamalaki na kayo sa inyong mababaw na nagawa. Kung ang alam ninyo ay higit pa kaysa alam ninyo ngayon, makukumbinsi kayong kakaunti lamang ang inyong alam. LBD 104.2

Hinihingi sa inyo ng Diyos ang isang masigla at maalab at intelektuwal na pagsisikap, at sa bawat masigasig na pagsisikap, mapalalakas ang inyong mga kapangyarihan. Kung ganoon, laging magiging kaaya-aya ang inyong trabaho, dahil alam ninyong sumusulong kayo. Maaari kayong masanay sa mabagal, hindi tiyak, at hindi matatag na mga galaw, kaya hindi magiging kalahati ng dapat mangyari ang gawain ng inyong buhay; o, nakatuon sa Diyos ang inyong mga mata, at pinalakas ng panalangin ang inyong kaluluwa, maaari ninyong mapagtagumpayan ang isang nakahihiyang kabagalan at kawalang-kasiyahan sa trabaho, at sanayin ang iyong isipang mag-isip nang mabilis at magsikap sa tamang panahon.— The S.D.A. Bible Commentary, vol. 3, pp. 1161, 1162. LBD 104.3

Binigyan ng Diyos ang isip ng tao ng dakilang kapangyarihan, kapangyarihan upang ipakitang nagbigay ang Maykapal sa tao ng kakayahang gumawa ng isang dakilang gawain laban sa kaaway ng lahat ng katuwiran, kapangyarihan upang ipakita kung anong mga tagumpay ang maaaring makuha sa labanan laban sa kasamaan. Sa mga nagsagawa ng layunin ng Diyos, para sa kanila ay sasabihin ang mga salita, “Magaling! Mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay.”— Letter 141, 1902. LBD 104.4