Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Binago sa Pamamagitan ng Pagbabago ng Pag-iisip, 8 Abril
Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos. Roma 12:2. LBD 103.1
Iisipin ba ng mga lalaki at babae kung paano iniingatan ng Diyos ang Kanyang mga nilikha? Nilikha Niya ang isip ng tao. Hindi tayo nag-iisip ng isang marangal na isipang hindi nagmula sa Kanya. Alam Niya ang lahat ng mahiwagang gawain ng isip ng tao; sapagkat hindi ba Niya ginawa ito? Nakikita ng Diyos na kasalanan ang nagpasama at nagpahamak sa tao, ngunit tinitingnan Niya siyang may awa at habag; sapagkat nakikita Niyang ipinailalim siya ni Satanas sa kanyang kapangyarihan.— The General Conference Bulletin, April 1, 1899. LBD 103.2
Nagsisimula ang lahat ng tunay na repormasyon sa paglilinis ng kaluluwa. LBD 103.3
Sa pamamagitan ito ng paghuhugas ng pagbabagong-buhay at ang pagbabago ng pag-iisip sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, na naisasagawa sa buhay ang pagbabago.— Ellen G. White Manuscript 95, 1903. LBD 103.4
Nababago tayo sa pamamagitan ng pagtingin kay Cristo. Kung patuloy na naninirahan ang isip sa mga pansamantalang bagay, sisipsipin ng mga bagay nito ang lahat, aapektuhan ang karakter, upang mawala ang kaluwalhatian ng Diyos sa paningin at makalimutan. Napababayaan ang mga oportunidad na abot-kamay para maunawaan nila ang mga bagay sa kalangitan. Ang espirituwal na buhay ay namatay. . . . LBD 103.5
Gawin ninyong buo ang pananalig sa Diyos. Kapag kabaligtaran ang ginawa ninyo, panahon na para itigil ito. Tumigil kayo sa pagkakataong ito, at baguhin ang kaayusan ng mga bagay. . . . Tawagan ninyo ang Diyos na may sinseridad, at pagkauhaw ng kaluluwa. Makipagbuno sa mga ahensya ng kalangitan hanggang sa kayo ay magtagumpay. Isuko ang inyong buong pagkatao sa mga kamay ng Pangi-noon, ang kaluluwa, katawan, at espiritu, at mangako na maging Kanyang isang mapagmahal, at itinalagang ahensya, na kinilos ng Kanyang kalooban, na kinokontrol ng Kanyang pag-iisip, na sinakop ng Kanyang Espiritu . . . at makikita mong malinaw ang mga bagay sa kalangitan.— Ellen G. White Manuscript 24, 1891. LBD 103.6
Kung pahihintulutan ang ating isipang higit pang magbulay-bulay kay Cristo at sa mundo sa kalangitan, matutuklasan natin ang malakas na pampasigla at suporta sa pakikipaglaban sa mga laban ng Panginoon. Mawawalan ng kanyang kapangyarihan ang kapalaluan at pagmamahal sa mundo habang pinag-iisipan natin ang mga kaluwalhatian ng mas mabuting lupaing hindi magtatagal ay magiging tahanan na natin. Bukod sa kagandahan ni Cristo, tila walang halaga ang lahat ng mga makamundong atraksyon.— Messages to Young People, p. 113. LBD 103.7