Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

346/367

Manghawak Nang Matibay at Maghanda, 10 Disyembre

Testimonies for the Church, vol. 9, pp.105-108. LBD 349.1

Kaya’t alalahanin mo kung paano mo ito tinanggap at narinig; panghawakan mo ito at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka gigising, darating Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong oras Ako darating sa iyo. Apocalipsis 3:3. LBD 349.2

Kaya alalahanin ninyo kung paano ninyo ito tinanggap at narinig; tuparin ninyo ito at magsisi kayo.” Naaalala ng mga naipanganak na muli kung gaanong katuwaan at kagalakan nilang tinanggap ang liwanag ng langit, at gaano sila kasabik na sabihin sa lahat ang kanilang kaligayahan. . . . LBD 349.3

“Manghawak nang matibay.” Hindi ibig sabihin nito na, Manghawak kayo sa inyong mga kasalanan; kundi, manghawak kayo sa kaaliwan, sa pananampalataya, sa pag-asa, na ibinigay ng Diyos sa Kanyang Salita. Huwag kayong panghinaan ng loob. Ang taong nanlulupaypay ay walang anumang matatapos. Sinisikap ni Satanas na sirain ang inyong loob, sinasabi sa inyo na walang-saysay ang maglingkod sa Diyos, na wala itong pakinabang, at mas mabuti pang maranasan ang kalayawan at kasiyahan sa mundong ito. Pero “ano bang papakinabangin ng tao na makamtan ang buong sanlibutan, at mapahamak ang kanyang buhay?” (Marcos 8:36). Puwede ninyong maranasan ang makamundong kalayawan kapalit ng daigdig na darating; pero kaya ba ninyong ipambayad ang ganyan kalaking halaga? Kailangan nating “manghawak” at mamuhay ayon sa lahat ng liwanag na natanggap natin mula sa langit. Bakit?—Dahil gusto ng Diyos na maunawaan natin ang walang-hanggang katotohanan, at magsilbing tumutulong Niyang kamay sa pamamagitan ng paghahatid ng liwanag sa mga hindi pa nakaaalam ng Kanyang pagmamahal para sa kanila. Nang ibigay mo ang iyong sarili kay Cristo, nagbitaw ka ng pangako sa presensya ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo—ang tatlong dakilang personal na Pinuno ng langit. “Manghawak ka” sa pangakong ito. . . . LBD 349.4

Hindi kayang alisin ng kaaway sa kamay ni Cristo ang isang tao basta’t nagtitiwala sa Kanyang mga pangako. Kung nagtitiwala at masunuring gumagawa ang kaluluwa, madaling tumanggap sa mga pag-impluwensya ng Diyos ang isipan, at sisikat ang liwanag ng Diyos, binibigyang-linaw ang kaunawaan. Anong laki ng ating mga pribilehiyo kay Cristo Jesus!— Manuscript 92, 1901. LBD 349.5

Dapat tayong matamang mag-abang sa pagdating ng Panginoon. . . . Kailangang gamitin nang may buong katapatan ang bawat sandali. “Ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas” (Mateo 24:13).— The Review and Herald, February 3, 1903. LBD 349.6