Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

344/367

Daigin ang Sanlibutan sa Pamamagitan ng Pananampalataya, 8 Disyembre

Sapagkat ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay dumadaig sa sanlibutan. At ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan— ang ating pananampalataya. 1 Juan 5:4. LBD 347.1

Inihaharap ni Satanas ngayon ang mga tuksong iniharap din niya kay Cristo, iniaalok sa atin ang mga kaharian ng sanlibutan kapalit ng ating katapatan sa kanya. Pero sa kanyang nakatingin kay Jesus bilang nagpasimula at tagatapos ng kanyang pananampalataya, walang kapangyarihan ang mga tukso ni Satanas. Hindi niya mapapagkasala ang isang taong sa pamamagitan ng pananampalataya ay tatanggap sa mga katangian Niya na tinukso sa lahat ng kaparaanan gaya rin naman natin, gayunman ay walang kasalanan (Hebreo 4:15). LBD 347.2

“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa Kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan” (Juan 3:16). Hindi madadaig Siyang nagsisisi sa kanyang kasalanan at tinatanggap ang regalong buhay ng Anak ng Diyos. Nanghahawak sa banal na likas sa pamamagitan ng pananampalataya, nagiging anak ng Diyos siya. Nananalangin Siya, sumasampalataya siya. Kapag tinutukso at sinusubok, inaangkin niya ang kapangyarihan na dahilan ng kamatayan ni Cristo maibigay lamang, at nagtatagumpay sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Ito ang kailangang maunawaan ng bawat makasalanan. Kailangan niyang pagsisihan ang kanyang mga kasalanan, kailangan niyang maniwala sa kapangyarihan ni Cristo, at tanggapin ang kapangyarihang iyan para iligtas at ilayo siya sa kasalanan.— The Review and Herald, January 28, 1909. LBD 347.3

Hindi dapat panatilihin ng Cristiano ang mga makasalanan niyang ugali at pakaingatan ang mga depekto ng kanyang karakter; kundi dapat siyang mapanibago sa espiritu ng kanyang isipan ayon sa wangis ng Diyos. Anuman ang likas ng iyong mga depekto, ipapakita ito sa iyo ng Espiritu ng Panginoon, at bibigyan kayo ng biyayang magtatagumpay kayo sa pamamagitan nito. Maaari kayong maging mananagumpay sa pamamagitan ng mga nagawa ng dugo ni Cristo, oo higit pa nga sa mga nagtatagumpay (Roma 8:37). . . . LBD 347.4

Dapat tanggapin ang katotohanan sa kaluluwa, at gagawa ito ng kabanalan ng karakter. Pipinuhin nito at itataas ang buhay, at iaangkop ka para makapasok sa mga mansyong ipinaroon ni Jesus upang ihanda para sa mga nagmamahal sa Kanya. LBD 347.5

Lahat-lahat na ang katumbas ng langit sa atin, at kung hindi natin makakamtan ang langit nawawala na rin ang lahat sa atin.— Undated Manuscript, p. 51. LBD 347.6