Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Disyembre—Tayo Ay Tumatanggap ng Ating Pamana
Ngayon na ang Panahon ng Pagtatatak, 1 Disyembre
Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punungkahoy, hanggang sa aming matatakan ang mga lingkod ng ating Diyos sa kanilang mga noo. Apocalipsis 7:3. LBD 340.1
Ginagamit ngayon ni Satanas sa panahong ito ng pagtatatak ang bawat paraan upang ilayo ang mga isipan ng bayan ng Diyos sa kasalukuyang katotohanan, at upang mag-urung-sulong sila. Nakita ko ang pantabong hinihila ng Diyos patakip sa Kanyang bayan para protektahan sila sa panahon ng kaguluhan; at bawat kaluluwang pasyado sa katotohanan, at malinis ang puso, ay tatakpan ng pantabon ng Makapangyarihan sa Lahat. Alam ito ni Satanas, at gumagawa siya nang may matinding kapangyarihan para ang mga isipan ng posibleng dami ng taong makakaya niya ay panatilihing nag-aalangan at hindi pasyado sa katotohanan. . . . Nakita kong gumagawa si Satanas . . . para gambalain, dayain, at ilayo ang bayan ng Diyos, ngayon mismo sa panahong ito ng pagtatatak. May mga nakita akong hindi nakatayo nang matatag para sa kasalukuyang katotohanan. Nanginginig ang kanilang mga tuhod, at dumudulas ang kanilang mga paa dahil hindi sila matibay na nakatayo sa katotohanan. . . . LBD 340.2
Sinusubukan ni Satanas ang bawat pakana niya upang pigilan sila sa kinalalagyan nila, hanggang sa makalipas na ang pagtatatak, hanggang sa itakip na ang pantabon sa bayan ng Diyos, at maiwan silang walang proteksyon sa nagniningas na galit ng Diyos, sa huling pitong salot.— Early Writings, pp. 43, 44. LBD 340.3
Inilabas tayo sa kadiliman ng sanlibutan tungo sa kagila-gilalas na liwanag ng Diyos. Kung tinatanggap natin ang larawan ng Diyos, kung nalinis sa lahat ng karumihang moral ang mga kaluluwa natin, ilalagay ang tatak ng Diyos sa ating mga noo, at mahahanda tayo para sa mga papatapos na tagpo ng kasaysayan ng lupang ito. Pero wala tayong oras na dapat sayangin. Kung higit nating pinag-aaralan ang buhay ni Cristo nang may pusong natututo, lalo rin tayong magiging kagaya ni Cristo.— Letter 135, 1897. LBD 340.4
Napakaikli lang ng panahon ng pagtatatak, at agad na rin itong matatapos. Ngayon na ang panahon, habang pinipigilan pa ng apat na anghel ang apat na hangin, upang siguraduhin ang pagkatawag at paghirang sa atin.— Early Writings, p. 58. LBD 340.5