Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

334/367

Nasasabik Tayong Masulyapan ang Kanyang Kaluwalhatian, 28 Nobyembre

Hinihiling ko sa Iyo na ipakita Mo sa akin ang Iyong kaluwalhatian. Exodus 33:18. LBD 337.1

Pribilehiyo natin ang umabot nang mataas at mas mataas pa, para sa mas malilinaw na paghahayag ng karakter ng Diyos. Nang manalangin si Moises na, “Hinihiling ko sa Iyo na ipakita Mo sa akin ang Iyong kaluwalhatian,” hindi siya sinaway ng Panginoon, kundi pinagbigyan Niya ang panalangin nito. . . . LBD 337.2

Kasalanan ang nagpapadilim sa ating mga isipan at pinalalabo ang ating mga pagkaunawa. Habang nalilinis ang kasalanan sa ating mga puso, ang liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos na nasa mukha ni Jesu-Cristo, na nagliliwanag sa Kanyang salita, at sumasalamin sa mukha ng kalikasan, ay higit at higit pang lubusang idedeklara Siya na “puspos ng kahabagan at mapagpala, hindi magagalitin, at sagana sa wagas na pag-ibig at katapatan” (Exodo 34:6). LBD 337.3

Makikita natin ang liwanag sa Kanyang liwanag, hanggang sa mabago sa larawan ng Kanyang kabanalan ang isipan at puso at kaluluwa. LBD 337.4

Sa mga nanghahawak nang ganyan sa mga banal na pagtiyak ng Salita ng Diyos, ay may napakagagandang posibilidad. Nakalatag sa harapan nila ang malalawak na larangan ng katotohanan, malalaking pagkukunan ng kapang-yarihan. Maluluwalhating bagay ang ihahayag. Ipapakita sa kanila ang mga pribilehiyo at katungkulang ni hindi nila pinaghihinalaang nasa Biblia pala. Lahat ng lalakad sa landas ng mapagpakumbabang pagsunod, na tinutupad ang Kanyang layunin, ay higit at higit pa ang malalaman sa mga aral ng Diyos. . . . LBD 337.5

Nagbibigay ng kalakasan at karangalan ng karakter ang mahalagang pa-nanampalataya na inspirado ng Diyos. Habang binubulay-bulay ang Kanyang kabutihan, ang Kanyang kahabagan, at ang Kanyang pag-ibig, magiging mas malinaw at lalo pang mas malinaw ang pagkaunawa sa katotohanan; mas mataas at mas banal ang hangarin para sa kadalisayan ng puso at kalinawan ng pag-iisip. Nababago ng pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng pagaaral ng Kanyang Salita ang kaluluwang namamalagi sa malinis na atmospera ng banal na kaisipan. Napakalaki ng katotohanan, napakalayo ng abot, napakalalim, napakalawak, anupa’t nakalilimutan na ang sarili. Ang puso ay napalalambot at napasusuko sa pagpapakumbaba, kabaitan, at pagmamahal. At napalalaki ang mga natural na kakayahan dahil sa banal na pagsunod.— The Ministry of Healing, pp. 464-466. LBD 337.6