Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

333/367

Tumingin kay Cristo—Makuha ang Kanyang Larawan, 27Nobyembre

At naging tao ang Salita at tumahang kasama namin, at nakita namin ang Kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang gaya ng sa tanging Anak ng Ama, puspos ng biyaya at katotohanan. Juan 1:14. LBD 336.1

Ang kalakasan ng mga bansa at ng indibiduwal ay hindi makikita sa mga pagkakataon at pasilidad na parang sa kanila ay nagpapaging di-madadaig; hindi ito makikita sa ipinagmamayabang nilang kadakilaan. Ang kapangyarihan ng Diyos ang tanging magpapaging dakila o malakas sa kanila. Sila mismo, sa pamamagitan ng kanilang pakikitungo sa Kanyang layunin, ang nagpapasya ng sarili nilang hantungan. LBD 336.2

Ikinukuwento ng kasaysayan ng tao ang mga naabot ng tao, ang mga pananaig niya sa labanan, ang mga tagumpay niya sa pagkamit ng kadakilaan sa sanlibutan. Inilalarawan ng kasaysayan ng Diyos ang tao ayon sa nakikita ng langit sa kanya. Sa mga banal na talaan ang buong kabuluhan niya ay makikitang binubuo ng kanyang pagsunod sa mga ipinagagawa ng Diyos. . . . LBD 336.3

May kanilang misyon ang mga dantaon. Ang may kanyang gawain bawat sandali. Lumilipas ang bawat isa sa walang-hanggan kasama ng mga pasanin nito. . . . Nakikitungo pa rin ang Diyos sa mga kaharian sa lupa. nasa malalaking lunsod Siya. Tinitingnan ng Kanyang mga mata, sinisipat ng Kanyang mga talukap, ang mga ginagawa ng mga anak ng tao. Hindi natin dapat sabihing, ang Diyos noon, kundi ang Diyos ngayon. Nakikita Niya ang mismong pagkahulog ng ibon, ang dahong lumalagpak mula sa puno, at ang haring naalis sa trono. Nasa kontrol ang lahat ng Isang Walang-hanggan. Nababago ang lahat. Sinusukat ang mga siyudad at mga bansa ng batong pabigat na nasa kamay ng Diyos. Hindi Siya nagkakamali. Tama ang pagkabasa Niya. Walang-katiyakan lahat ng makalupa, subalit mananatili magpakailan man ang katotohanan. LBD 336.4

Sa mata ng sanlibutan, parang mahihina ang mga naglilingkod sa Diyos. Mukha mang lumulubog sila sa mga alon, subalit sa susunod na daluyong, nakikitang silang umaangat palapit sa kanilang langit. Binibigyan Ko sila ng walang-hanggang buhay, sabi ng ating Panginoon, at walang makakukuha sa kanila sa Aking mga kamay. Bagaman palayasin ang mga hari, at maalis ang mga bansa, ang mga kaluluwang iniuugnay ang kanilang sarili sa layunin ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mananatili magpakailan man.— The Youth’s Instructor, September 29, 1903. LBD 336.5

Ipako ninyo ang inyong mga mata kay Jesus, at magiging kalakip kayo sa pamamagitan ng pagtingin sa Kanyang larawan.— The Australian Union Conference Record November 1, 1904. LBD 336.6