Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Aabot Hanggang sa Walang Hanggan ang Ating Karanasan, 26 Nobyembre
Sapagkat ngayo’y malabo nating nakikita sa isang salamin, ngunit pagkatapos nito ay makikita na natin nang mukhaan. Ngayo’y bahagi lamang ang nalalaman ko, ngunit pagkatapos nito’y malalaman ko nang lubusan kung paanong ako’y nakikilala din nang lubusan. 1 Corinto 13:12. LBD 335.1
Paghahanda sa buhay na walang-hanggan Ang gawain ng buhay natin dito. Hindi matatapos sa buhay na ito ang edukasyong pinasimulan dito; magpapatuloy ito hanggang sa buong walang-hanggan—laging nagpapatuloy, hindi natatapos. LBD 335.2
Higit at higit pang ganap na mahahayag ang karunungan at pag-ibig ng Diyos sa panukala ng pagtubos. Ang Tagapagligtas, habang dinadala Niya ang Kanyang mga anak sa mga bukal ng tubig na buhay, ay magbabahagi ng masaganang imbak ng kaalaman. At araw-araw, ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos, ang mga katibayan ng Kanyang kapangyarihan sa paglikha at pagsustento sa sansinukob, ay mabubuksan sa isipan sa panibagong kagandahan. Sa liwanag na sumisikat mula sa trono, naglalaho ang mga misteryo, at mapupuno ang kaluluwa ng pagkamangha sa kasimplihan ng mga bagay na hindi pa dati nauunawaan. Ngayon ay malabo nating nakikita sa isang salamin, ngunit pagkatapos nito ay makikita na natin nang mukhaan. Ngayon ay bahagi lamang ang nalalaman ko, ngunit pagkatapos nito ay malalaman ko nang lubusan kung paanong ako ay nakikilala rin nang lubusan.— The Ministry of Healing, 466. LBD 335.3
Isipin na lang ninyo kung ano kayang ibig sabihin ng mag-aral sa buong walang-hanggang panahon sa ilalim ng pagtuturo ni Cristo! Sa gitna ng kasalukuyang labanan at mga tukso, sa araw nating ito ng palugit, kailangan nating humubog ng mga katangiang maghahanda sa atin na makamtan ang buhay na kasinghaba ng buhay ng Diyos.— Letter 264, 1903. LBD 335.4
Kailangan nating magkaroon ng pananaw na nakatuon lamang sa kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay lumago sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Kung mas taos-puso at buong sikap nating hinahanap ang banal na karunungan, mas matibay din tayong matatatag sa katotohanan.— The Youth’s Instructor, June 28, 1894. LBD 335.5
Sa pagtingin kay Cristo, sa pakikipag-usap sa Kanya, sa pagmasid sa kagandahan ng Kanyang karakter, mababago tayo. Mababago mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian (2 Corinto 3:18). At ano ang kaluwalhatian? Karakter—at nababago siya mula sa karakter tungo sa karakter. Sa gayon ay nakikita nating may gawain ng pagdadalisay na nangyayari sa pamamagitan ng pagtingin kay Jesus.— Manuscript 10, 1894. LBD 335.6