Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Lagi Dapat Tayong Tumingin kay Jesus, 25 Nobyembre
Pagmasdan natin si Jesus na Siyang nagtatag at nagpasakdal ng ating pananampalataya. Hebreo 12:2. LBD 334.1
Maraming kabataan ang dumaraing dahil wala silang kakayahang gumawa ng malalaking bagay, at pinagnanasaan ang mga talentong sa pamamagitan nito ay makagagawa sila ng mga kahanga-hangang LBD 334.2
bagay; pero habang inuubos nila ang kanilang oras sa mga walang-katuturang paghahangad, nabibigo sila sa buhay. Hindi nila napapansin ang mga pagkakataong puwede pa nilang pagbutihin sa paggawa ng mga gawaing may pagmamahal sa landas ng buhay na kinatatayuan ng kanilang mga paa. . . . LBD 334.3
O maisip sana ninyo ngayon ang mga bagay na makatutulong para sa inyong kapayapaan, at ilaan ang iyong mga hilig, ang iyong mga iniisip, ang inyong oras, at ang iyong paglilingkod kay Cristo. Ibinubuhos ni Satanas ang buo niyang lakas upang iliko ang inyong kalooban sa kanya, para gawin kang instrumento niya sa pagsalungat sa mga plano ni Cristo, para tanggihan mong mapagharian ka ni Jesus. Kahit alam mong “gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa Kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan” (Juan 3:16), pagsisikapan ni Satanas na ilayo kayo kay Cristo, para maging instrumento rin kayo niya sa pagpapalayo sa iba, at sa gayon ay biguin ang mga plano ng Diyos. Siya ang ama ng kasinungalingan, at gumagawa siya ng lambat ng kabulaanan kung saan kayo niya iginagapos ng mga tali ng kasinungalingan sa paglilingkod sa kanya. Kung mas matalino kayo, kung mas kaakit-akit ka, mas puspusan din ang kanyang paggawa para hikayatin kayong ilapag ang inyong mga talento sa kanyang paanan, at tulungan siyang maisagawa ang kanyang mga layunin sa pag-akit pa ng iba sa ilalim ng maitim niyang bandila. Kung mapananatili lamang sana niyang hibang ang isipan, ay gagawin niya ito. Nagtatanong si Pablo, “Sino ang gumayuma sa inyo upang huwag kayong sumunod sa katotohanan?” Si Satanas ang siyang nanggagayuma, at siya ay gumawa upang si Cristo ay mapatalsik sa kaluluwa, at siya na mismo ang mailuklok doon. LBD 334.4
Nakikiusap ako sa inyo, mga anak, na kumalas kayo sa kahibangan ng diyablo. Tumakbo kayo kay Jesus bilang inyong kanlungan, at manghawak sa walang-hanggang buhay.— The Youth’s Instructor, March 2, 1893. LBD 334.5
Maging disididong magpapakalapit-lapit kayo bawat araw sa Diyos, na nakatingin kay Jesus, ang nagpasimula at tagatapos ng inyong pananampalataya.— The Youth’s Instructor, July 19, 1894. LBD 334.6