Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

328/367

Pagsikapang Humusay, 22 Nobyembre

Gayundin naman kayo, yamang kayo’y sabik sa kaloob na espirituwal, pagbutihin ninyo ang paggamit sa mga iyon para sa ikatitibay ng iglesia. 1 Corinto 14:12. LBD 331.1

Turuan ang mga kabataan mula pagkabata na walang kahusayan kung wala ring malaking pagsisikap. Walang magagawa ang mga paghahangad sa kadakilaan. Mga kabataang kaibigan, hindi mararating ang tuktok ng bundok sa pagpapatayu-tayo lamang, at pagsasabing naroon sana kayo. Makakamtan ninyo lang ang inyong layunin sa paisa-isang hakbang lamang, mabagal lang siguro, subalit pinaninidigan ang bawat nagawa nang hakbang. Ang masigasig at matiyagang manggagawa ang siyang makaaakyat sa mataas na kabundukan ng Alps. Dapat gawin ng bawat kabataan ang pinakamaigi sa kanyang mga talento, na pinagbubuti sa pinakasukdulan ang mga kasalukuyang pagkakataon. Siyang gagawa nito ay kayang maabot ang halos anumang taas na maaaring kamtan sa moral at sa pangkaisipan. Subalit kailangang magtaglay siya ng matapang at pursigidong espiritu. Kakailanganin niyang takpan ang kanyang mga tainga sa boses ng kalayawan; kailangang madalas niyang tanggihan ang mga pagsulsol ng mga kabataang kasamahan. Lagi dapat siyang mag-ingat, baka siya ay mailihis sa kanyang layunin. . . . LBD 331.2

Pabayaan ninyo ang isang taniman, at tutubuan ito ng mga tinik at dawag. Hindi kayo makakikita ng magandang bulaklak o piling halaman na lilitaw sa ibabaw ng mga pangit at nakalalasong dawag. Lalago ang walang-silbing dawag nang mayabong nang wala nang isip-isip pa o pag-aalaga, samantalang nangangailangan ng lubusang pangangalaga ang mga halamang pinahahalagahan para magamit o para sa kagandahan. Gayundin sa ating mga kabataan. Kung gustong mahubog ang mga tamang ugali, at magtatag ng mga tamang prinsipyo, may taos-pusong gawain na dapat magampanan. Kung gustong maitama ang mga maling ugali, kinakailangan ang pagsisikap at pagtitiyaga upang maisagawa ang gawaing iyan. . . . Lubhang mas madaling magpadala sa masasamang impluwensya kaysa labanan ang mga ito.— The Review and Herald, September 13, 1881. LBD 331.3

Malibang madama nila ang kahalagahan ng paggawa ng pagsulong na kinakailangan sa kanilang mga pag-uugali upang maging mas mabubuting tao bawat araw, at sa gayon ay nabibigyang-lakas na maisagawa ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanila, masusumpungan silang nasa panig ng mga mapapahamak.— The General Conference Bulletin, March 20, 1891. LBD 331.4

Lumago kayo sa biyaya, sa hindi pagdepende sa iba, at sa pagpipigil sa sarili. Masumpungan kayo bawat araw na mas malapitang nahahandang makisanib sa makaharing pamilya sa mga bulwagan ng langit.— Manuscript 99, 1902. LBD 331.5