Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Lumalago Tayo kay Cristo, 20 Nobyembre
Tayo ay huwag nang maging mga bata, na tinatangaytangay ng mga alon at dinadala-dala ng bawat hangin ng aral, . . . kundi humahawak sa katotohanan na may pag-ibig, lumago tayong lahat sa Kanya, na Siyang ulo, samakatuwid ay si Cristo. Efeso 4:14, 15. LBD 329.1
Hindi ninyo kayang pahinain ang sarili ninyong impluwensya at katatayuan nang higit kaysa pagsisikap na pahinain ang isa’t isa.— Letter 16, 1886. LBD 329.2
Palagi mong palaguin ang pagtitiwala sa iyong mga kapatiran, dahil kapag nag-iisip ka ng masama, masama rin ang nasasabi mo. Pinipinsala mo sa gayon ang iyong sarili at pinahihina ang sarili mo samantalang malakas ka dapat sa Diyos.— Letter 182, 1901. LBD 329.3
Hindi natin karapatan na sukatin ang mga pagkilos ng iba o pulaan ang kanilang mga pagkakamali. Hindi tayo ginawa ng Diyos na tagapagdala ng mga kasalanan ng iba. Ang sariling kasalanan natin ang ating solusyunan. Kung mas lubusan ang gawain ng pagsisisi at pagbabago sa sarili nating buhay, mas kakaunti rin ang makikita nating pupunahin sa iba. Mali ang ginagawa natin kapag sinusukat natin ang ating sarili sa pamamagitan ng mga kapintasang nakikita natin sa iba. Hindi ganyan ang ginagawa ng Diyos. Alam Niya ang mga kalagayan ng bawat buhay, at sinusukat Niya ang tao sa pamamagitan ng mga kalamangang mayroon ang bawat isa para sa paglubos ng Cristianong karakter. Isinasaalang-alang Niya ang mga oportunidad na mayroon ang instrumentong tao para sa pagkakaroon ng pagkakilala sa Diyos at sa Kanyang katotohanan. LBD 329.4
Hindi ihahambing ang kanyang karakter sa karakter ng iba Niyang may tunay na pagkilatis sa kautusan ng Diyos. Hahatulan niya ang kanyang buhay sa pamamagitan ng banal na kautusan ng Diyos. . . . LBD 329.5
Sa tagubilin Niya sa Kanyang mga alagad, ipinakita ng Tagapagligtas kung gaano dapat kalubos ang gawain ng pagpuksa sa kasamaan. “Kung ang kanan mong mata ang sanhi ng iyong pagkakasala,” sabi Niya, “dukitin mo ito at itapon.” . . . (Mateo 5:29). LBD 329.6
Kailangan nating gumawa ng tuluy-tuloy na pagsulong sa paglubos ng Cristianong karakter, para hindi na tayo maging “mga bata, na tinatangay-tangay ng mga alon at dinadala-dala ng bawat hangin ng aral, . . . kundi humahawak sa katotohanan na may pag-ibig, lumago tayong lahat sa Kanya, na Siyang ulo, samakatuwid ay si Cristo.”— The Youth’s Instructor, February 11, 1908. LBD 329.7
Isang tuluy-tuloy na gawain ang paglago.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 367. LBD 329.8