Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

321/367

Bungkalin ang Tiwangwang na Lupa, 15 Nobyembre

Maghasik kayo para sa inyong sarili ng katuwiran; mag-ani kayo ng bunga ng kabutihang loob; bungkalin ninyo ang inyong tiwangwang na lupa, sapagkat panahon nang hanapin ang Panginoon, upang Siya’y dumating at magpaulan ng katuwiran sa inyo. Hosea 10:12. LBD 324.1

Dapat maiugnay sa ating karakter at buhay ang mga prinsipyo ng katotohanan ay. Kailangan nating pakamahalin ang bawat silahis ng liwanag na lumalagpak sa ating dinaraanan, at mamuhay ayon sa mga ipinagagawa ng Diyos. Dapat tayong lumago sa espirituwal. Malaking pagpapala ang nawawala sa atin . . . dahil hindi tayo humahakbang pasulong sa buhay-Cristiano. . . . LBD 324.2

Dapat tipunin ng mga kaanib ng iglesia ni Cristo ang mga banal na sinag ng liwanag na galing kay Jesus, at ibalik ang mga ito sa iba, na nag-iiwan sa sanlibutan ng matingkad na landas patungong langit. Dapat silang maging kagaya ng matatalinong dalaga, na inayos at nagniningas ang kanilang mga ilawan, na ipinakikita ang karakter ni Cristo sa sanlibutan. Hindi tayo dapat masiyahan sa anumang kapos sa bagay na ito. Hindi tayo dapat masiyahan sa sarili nating katuwiran, at kontento na kahit wala ang malalalim na pagkilos ng Espiritu ng Diyos. LBD 324.3

Ang sabi ni Cristo, “Kung wala Ako ay wala kayong magagawa” (Juan 15:5). Ang kapansin-pansing kawalan na ito, na litaw na litaw sa mga paglilingkod ng marami . . . iyan ang ikinababahala natin; sapagkat alam natin na katibayan ito na hindi nila nadama ang bumabagong kapangyarihan ni Cristo sa kanilang mga puso. Puwede mong tingnan mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang sanga ang kanilang gawain, at wala kang makikita kundi puro dahon. Gusto ng Diyos na umakyat tayo sa mas mataas na pamantayan. Hindi Niya kalooban na magkaroon tayo ng ganyang kasalatan ng espirituwalidad. . . . LBD 324.4

Naaalala ko nang bumisita ako sa Iowa nang bago pa lang ang lugar na ito, at nakita ko ang mga magsasaka na binubungkal ang bagong lupaing ito. Napansin ko sa siksikan sila sa mga grupo, at gumagawa ng pambihirang pagsisikap na makahukay ng malalalim na tudling, subalit nagkakaroon ng kalakasan at kalamnan ang mga trabahador sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang pisikal na kakayanan. Gagawing malakas ang ating mga kabataan ng pagpunta sa mga bagong lupain, at pagbungkal sa mga tiwangwang na lupa ng puso ng mga tao. Lalo silang ilalapit ng gawaing ito sa Diyos. . . . Magkakaroon sila ng kahusayan at kasanayan sa pamamagitan ng pagkabisado sa mga kahirapan at paglampas sa mga hadlang.— The Review and Herald, October 8, 1889. LBD 324.5