Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

308/367

Luwalhatiin ang Diyos sa Pamamagitan ng Pagpapabuti sa mga Ugaling Pangkalusugan, 2 Nobyembre

Sapagkat kayo’y binili sa isang halaga, kaya’t luwalhatiin ninyo ng inyong katawan ang Diyos, at ng inyong espiritu, na pawang pag-aari ng Diyos. 1 Corinto 6:20. LBD 311.1

Ang pagpapabuti ng ating sarili ang pinakauna nating tungkulin sa Diyos at sa ating kapwa. Dapat hubugin sa pinakamataas na antas ng kasakdalan ang bawat kakayahang ipinagkaloob sa atin ng Lumikha, upang magawa natin ang pinakamaraming kabutihang magagawa natin. LBD 311.2

Kaya’t nagugugol sa magandang dahilan ang oras na ginamit sa pagpapatibay at pangangalaga ng magandang kalusugan ng katawan at isipan. — Child Guidance, 395. LBD 311.3

Pinakamahusay ang tao na gawa ng Diyos, obra-maestra Niya, na nilikha para sa mataas at banal na layunin; at nais na isulat ng Diyos ang Kanyang kautusan sa bawat bahagi ng tabernakulong tao. . . . Bawat ugat at kalamnan, bawat mental at pisikal na abilidad, ay dapat panatilihing dalisay. LBD 311.4

Balak ng Diyos na maging templo ng Kanyang Espiritu ang katawan. Mabigat ang pananagutang nasa bawat kaluluwa. Ginagamit ang indibiduwal ninyong impluwensya para sa kabutihan o sa kasamaan. Kung dumihan ninyo ang iyong katawan, hindi lamang ang sarili ninyo ang inyong pinipinsala, kundi ang maraming iba pa. May obligasyon sa Diyos ang mga Cristiano na panatilihing malaya ang kaluluwa, katawan, at espiritu sa lahat ng magpaparumi rito; sapagkat binili ito sa halaga. . . . LBD 311.5

Walang lalaki o babae man ang may karapatang bumuo ng mga ugaling magpapahina sa malusog na pagkilos ng isang organ ng isipan o katawan. . . . Hindi pinahahalagahan ang kanilang talino ng mga nagpapakasawa sa paninigarilyo at pag-inom ng alak. Hindi nila kinikilala ang halaga ng mga kakayahang ibinigay sa kanila ng Diyos, upang hubugin at pagbutihin. Sa gayon ay binabayaan ng mga tao na matuyot at mabulok ang kanilang kalakasan. Gusto ng Diyos na madama ng lahat ng sumasampalataya sa Kanya ang pangangailangan ng pagsulong. Dapat palawakin ang bawat ipinagkatiwalang kakayahan. Wala ni isang kaloob ang dapat isaisantabi. Bilang bukid at gusali ng Diyos, nasa ilalim ang tao ng Kanyang pangangasiwa sa bawat kahulugan ng salitang ito. At kung mas kilala niya ang Maylikha sa kanya, magiging mas sagrado rin ang pagtingin niya sa kanyang buhay.— Manuscript 130, 1899. LBD 311.6