Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

307/367

NNobyembre—Tayo Ay Tuluy-tuloy na Sumusulong

NLaging Pagsikapang Pagbutihin pa ang Iyong mga Kakayahan, 1 Nobyembre

Sapagkat ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa Kanyang bibig nagmumula ang kaalaman at kaunawaan. Kawikaan 2:6. LBD 310.1

Kailangan ninyong palaging pagsikapang matamo ang pinakamataas na kalinangan ng isipan at kaluluwa, upang madala ninyo sa pagtuturo at pagsasanay ng inyong mga anak ang mapayapang espiritu at mapagmahal na puso; upang malipos ninyo sila ng mga dalisay na hangarin, at hubugin sa kanila ang hilig para sa mga bagay na tapat at malinis at banal. . . . Laging pagsikapang pagbutihin pa ang inyong mga kakayahan, para magawa ninyo ang pinakaperpekto at lubus-lubos na gawain sa tahanan, parehong sa pamamagitan ng panuntuhan at halimbawa.—The Review and Herald, September 15, 1891. LBD 310.2

Hindi ninyo dapat sundin ang sarili ninyong mga kagustuhan. Kailangang maging napakaingat kayo sa pagbibigay ng tamang halimbawa sa lahat ng bagay. Huwag maging walang-ginagawa. Gisingin ninyo ang mga natutulog ninyong enerhiya. . . . Gawin ang mga tungkuling kinakailangang gawin. Pag-aralan ninyo kung paano isasagawa nang may kasiglahan at kadalian ang simple, hindi nakawiwili, at pambahay, ngunit pinakakailangang mga tungkulin.— Child Guidance, p. 74. LBD 310.3

Hindi pa nagigising ang mga magulang upang maunawaan ang kapangyarihan ng Cristianong kasanayan. May mga minahan ng katotohanan na dapat sanang trabahuin ang kataka-takang pinababayaan. Hindi sinasangayunan ng Diyos ang walang-ingat na pagwawalang-bahala. Mga magulang, tinatawagan kayo ng Diyos na tingnan ang bagay na ito nang may napahirang mga mata. Humahapyaw pa lang sa ngayon kayo sa ibabaw. Gawin na ninyo ang matagal ninyo nang pinababayaang gawain, at makikipagtulungan ang Diyos sa inyo. Gawin ninyo ang gawaing ito nang buong puso, at tutulungan kayo ng Diyos na gumawa ng pagpapabuti. Mag-umpisa kayo sa pagdadala ng ebanghelyo sa buhay-tahanan.— Child Guidance, pp. 72, 73. LBD 310.4

Ang mas mataas na kasanayan ng kaluluwa, na nagdudulot ng kadalisayan at pag-angat ng mga iniisip, at espirituwal na bango sa mga salita at kilos, ay nangangailangan ng maingat at matiyagang pagsisikap. Kinakailangan ng pagtitiyaga upang magamas ang bawat masasamang motibo sa hardin ng Panginoon.— Manuscript 128, 1901. LBD 310.5