Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

299/367

Bubusugin ang Nagugutom at Nauuhaw, 24 Oktubre

Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin. Mateo 5:6. LBD 302.1

Kabanalan ang katuwiran, pagiging kagaya ng Diyos; at ang “Diyos ay pag-ibig.” Pag-ayon ito ng buhay sa kautusan ng Diyos; sapagkat “lahat ng mga utos Mo ay matuwid” (Awit 119:172); at ang “pag-ibig ang siyang katuparan ng kautusan” (Roma 13:10). Ang katuwiran ay pag-ibig, at ang pag-ibig ay ang liwanag at ang buhay ng Diyos. Ang katuwiran ng Diyos ay nakapaloob kay Cristo. Natatanggap natin ang katuwiran sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanya. LBD 302.2

Hindi nakakamtan ang katuwiran sa pamamagitan ng masasaklap na pagpupunyagi o nakapanghihinang pagpapakapagod, hindi rin sa pamamagitan ng pagkakaloob o pagsasakripisyo; kundi libre itong ibinibigay sa bawat kaluluwang nagugutom at nauuhaw na tanggapin ito. . . . LBD 302.3

Walang instrumentong tao ang makasusuplay ng kung anong makaaalis sa gutom at uhaw ng kaluluwa. Subalit sinasabi ni Jesus: “. . . Ako ang Tinapay ng Buhay. Ang lumalapit sa Akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa Akin ay hindi kailan man mauuhaw” (Juan 6:35). LBD 302.4

Kung paanong kailangan natin ng pagkain para sustenahan ang pisikal nating lakas, kailangan din naman natin si Cristo, ang Tinapay na mula langit, para sustenahan ang espirituwal na buhay, at magbahagi ng lakas para magawa ang mga gawa ng Diyos. Kung paanong walang-tigil na tumatanggap ang katawan ng sustansyang tumutustos ng buhay at lakas, gayundin naman dapat parating nakikipag-ugnayan ang kaluluwa kay Cristo, nagpapasakop sa Kanya, at lubusang umaasa sa Kanya. LBD 302.5

Kung paanong naghahanap ang pagod na manlalakbay ng bukal sa disyerto, at pinapatid pagkakita rito ang napakatindi niyang uhaw, gayundin naman mauuhaw at makakukuha ang Cristiano ng dalisay na tubig ng buhay, na si Cristo ang siyang pinagmumulan. . . . Hindi natin kailangang pagsikapang mapatid ang ating uhaw sa mabababaw na sapa; sapagkat nasa bandang taas lamang natin ang dakilang bukal, na malaya nating maiinom ang masaganang tubig, kung aangat lamang tayo nang mas mataas nang konti sa landas ng pananampalataya. LBD 302.6

Pinakabukal ng buhay ang mga salita ng Diyos. Habang hinahanap ninyo ang mga buhay na bukal na iyon, mailalapit kayo sa pakikipag-ugnayan kay Cristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. . . . Malalaman ninyong pinangungunahan ka ni Cristo; isang banal na Tagapagturo ang nasa tabi ninyo.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 34-36. LBD 302.7