Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

298/367

Mamanahin ng mga Maaamo ang Lupa, 23 Oktubre

Mapapalad ang maaamo, sapagkat mamanahin nila ang lupa. Mateo 5:5. LBD 301.1

May mga pagkakataong nagsalita si Cristo nang may kapamahalaan na nagpaunawa sa Kanyang mga salita nang may di-malabanang puwersa, nang may napakatinding pagkadama sa kadakilaan ng Nagsasalita, at ang mga ahensyang tao ay naglalaho sa kawalang-kabuluhan kung ikukumpara sa Isang nasa harap nila. Sila ay lubhang nakilos; ang kanilang mga isipan ay nakintalan na inuulit Niya ang utos mula sa pinakakagalang-galang na kaluwalhatian. Habang tinatawagan Niyang makinig ang sanlibutan, sila ay nabighani at namangha, at dumating ang kombiksyon sa kanilang mga isipan. Bawat salita ay gumawa ng sarili nitong lugar, at sinampalatayanan at tinanggap ng mga tagapakinig ang mga salita anupa’t wala silang lakas na ito ay labanan. Bawat salitang binigkas Niya ay parang buhay ng Diyos sa mga nakikinig. Nagbibigay Siya ng katibayan na Siya nga ang Ilaw ng sanlibutan at ang awtoridad ng iglesia, na nag-aangkin ng higit na kataasan sa kanilang lahat.— Manuscript 118, 1905. LBD 301.2

Isinasama ni Jesus ang kaamuan sa mga unang kwalipikasyon para sa Kanyang kaharian. Sa sarili Niyang buhay at karakter ay nahayag ang banal na kagandahan ng napakahalagang biyayang ito. . . . LBD 301.3

Ang likas ng tao ay palagi nang nakikipagpunyaging magpakilala, handang makipagtagisan; ngunit siyang natututo kay Cristo ay natatanggalan ng sarili, ng pagmamalaki, ng hilig na maging mataas, at may katahimikan sa kaluluwa. Ang sarili ay nagpapasakop sa kapasyahan ng Banal na Espiritu. LBD 301.4

Sa gayon ay hindi na tayo nababalisang makuha ang pinakamataas na kalagayan. . . . Dama nating ang pinakamataas nating lugar ay sa paanan ng ating Tagapagligtas. . . . LBD 301.5

Ang kababaan ng puso, ang kaamuang iyon na bunga ng pananatili kay Cristo, ay siyang tunay na sekreto ng pagpapala. “Kanyang pagagandahin ng kaligtasan ang mga maamo” (Awit 149:4). . . . Pumasok ang kasalanan sa sanlibutan dahil sa paghahangad na itaas ang sarili, at sa gayon ay nawala ang pamamahala ng una nating mga magulang sa magandang daigdig na ito, na kanilang kaharian. Tinubos ni Cristo kung anong nawala sa pamamagitan ng pagkakait sa sarili. At ang sabi Niya ay kailangan nating magtagumpay kagaya Niya. Sa pamamagitan ng kapakumbabaan at pagsusuko ng sarili tayo ay puwedeng maging mga tagapagmanang kasama Niya, kapag “mamanahin [na] ng maaamo ang lupa” (Awit 37:11).— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 29-33. LBD 301.6