Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

296/367

Mamanahin ng mga Dukha sa Espiritu ang Kaharian, 21 Oktubre

Mapapalad ang mga dukha sa espiritu, sapagkat kanila ang kaharian ng langit. Mateo 5:3. LBD 299.1

Sabik si Cristo na punuin ang mundo ng kapayapaan at kagalakan na kaparehas ng makikita sa makalangit na daigdig. . . . Mula sa banal Niyang mga labi ay namutawi nang may kapuspusan at masaganang katiyakan ang mga bendisyong nagpapakita na Siya ang bukal ng lahat kabutihan, at sarili Niyang karapatan ang magpala at kintalan ang isipan ng lahat ng naroroon. Sangkot Siya sa sarili Niyang sagradong pinagkadalubhasaan, at kaya Niyang ibigay anumang oras ang mga kayamanan ng walang-hanggan. Wala Siyang alam na pagpipigil sa pamamahagi ng mga ito. Hindi pang-aagaw para sa Kanya ang umakto sa tungkulin ng Diyos. Sinakop Niya sa Kanyang mga pagpapala ang mga bubuo sa Kanyang kaharian sa mundong ito. Dinala Niya sa sanlibutang ito ang bawat pagpapalang kailangan sa kaligayahan at kagalakan ng bawat kaluluwa, at sa harapan ng napakaraming taong iyon na nagkatipon ay inilahad Niya ang mga kayamanan ng biyaya ng langit, ang mga natipong kayamanan ng walang-hanggan at walang kamatayang Ama. . . . LBD 299.2

Tinukoy Niya ang mga magiging tagapagmana ng Diyos at kasama Niyang tagapagmana. Hayagan Niyang iprinoklama ang pagpili Niya ng mga sakop, at itinatalaga ang kanilang lugar sa Kanyang serbisyo bilang kaisa Niya. Makababahagi Niya ang mga nagtataglay ng katangiang tinukoy sa pagpapala at sa kaluwalhatian at sa karangalang mapapasa-Kanya.— Manuscript 118, 1905. LBD 299.3

Siyang nakadaramang buo na siya, na nag-aakalang kainamang mabuti na siya, at kontento na sa kanyang kalagayan, ay hindi na naghahangad pang maging kabahagi ng biyaya at katuwiran ni Cristo. Hindi nakadarama ng pagmamalaki ng pangangailangan, kaya sinasarhan nito ang puso kay Cristo at sa mga walang-katapusang pagpapalang ipinarito Niya upang ibigay. Walang lugar para kay Jesus sa puso ng ganyang tao. . . . Ang mga nakaaalam na hindi nila kayang iligtas ang kanilang sarili sa anumang paraan, o makagagawa ng anumang matuwid na pagkilos sa kanilang sarili lamang, ay silang nagpapahalaga sa tulong na kayang ibigay ni Cristo. Sila ang mga dukha sa espiritu, na sinabi Niyang mga mapapalad.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 19. LBD 299.4