Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

278/367

Sa Paglakad Gaya ng Paglakad ni Cristo, 3 Oktubre

Kaya’t kung paanong tinanggap ninyo si Cristo Jesus na Panginoon, ay lumakad kayong gayon sa Kanya. Colosas 2:6. LBD 281.1

Nakikipaglaban kayo para sa korona ng buhay. . . . Mamuhay kayo upang bigyang-lugod Siyang inisip na ganon kalaki ang halaga ninyo anupa’t ibinigay Niya si Jesus, ang nag-iisa Niyang Anak, upang iligtas kayo mula sa inyong mga kasalanan. . . . Lagi ninyong alalahanin ang kaisipan na kung anong nararapat na gawin, ay nararapat ding gawin nang maigi. Umasa kayo sa Diyos para sa karunungan, upang hindi ninyo mapigilan ang isang kaluluwa sa paggawa ng tama. Gumawa kayo kasama ni Cristo sa pagpapalapit ng mga kaluluwa sa Kanya. . . . Gawin ang pinakamabuti sa lahat ng inyong ginagawa. Si Jesus ang inyong Tagapagligtas, kaya umasa kayo sa Kanya na tutulungan Siya araw-araw, upang huwag kayong maghasik ng mga damo, kundi ng mabuting binhi ng kaharian. . . . LBD 281.2

Kailangan ninyong matutong makakita, gamit ang inyong utak gayundin ang inyong mga mata. Kailangan ninyong turuan ang inyong pagpapasya para hindi ito maging mahina at walang-kaya. Kailangan ninyong manalangin para sa patnubay, at italaga ang inyong lakad sa Panginoon. Dapat ninyong sarhan ang inyong puso sa lahat ng kalokohan at kasalanan, at buksan ito sa bawat makalangit na impluwensya. Kailangan ninyong gawin ang pinakamabuti sa inyong oras at pagkakataon, upang makahubog kayo ng balanseng karakter. . . . LBD 281.3

Dapat tayong maging “puspos sa Kanya.” “Kaya’t kung paanong tinanggap ninyo si Cristo Jesus na Panginoon, ay lumakad kayong gayon sa Kanya” (Colosas 2:10, 6). Ibig sabihin nito ay kailangan ninyong pag-aralan ang buhay ni Cristo. Dapat ninyo itong pag-aralan nang may mas lalong higit na sipag kaysa pag-aaral sa mga pansekyular na kaalaman, dahil mas importante ang mga pangwalang-hanggang kapakanan kaysa mga pansamantala at panlupang pagsisikap lamang. Kung nauunawaan ninyo ang kahalagahan at kasagraduhan ng mga walang-hanggang bagay, gagamitin ninyo ang pinakamatalas ninyong pag-iisip, at ang pinakamalalaki ninyong kakayahan, sa paglutas ng problemang may kinalaman sa walang-hanggan ninyong kapakanan; sapagkat lahat ng iba pang kapakanan ay naglalaho sa kawalang-kabuluhan kumpara rito. LBD 281.4

Mayroon kayong huwaran, si Cristo Jesus; lumakad kayo sa Kanyang mga hakbang, at magiging karapat-dapat kayong punan ang kahit ano at lahat ng tungkuling maaaring tawagan kayong punan. . . . Hindi dapat kayo makadamang alila kayo, kundi isang anak ng Diyos.— The Youth’s Instructor, May 17, 1894. LBD 281.5