Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Pinararangalan ni Cristo ang mga Naglilingkod sa Kanya, 29 Setyembre
Sinabi sa kanya ng panginoon niya, Magaling! Mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kaunting bagay, pamamahalain Kita sa maraming bagay. Pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon. Mateo 25:21. LBD 277.1
Handa ang Panginoon na gumawa ng mga dakilang bagay para sa atin. Hindi tayo makakukuha ng tagumpay sa pamamagitan ng mga bilang, kundisa pamamagitan ng buong pagsuko ng kaluluwa kay Jesus. Kailangan nating sumulong sa Kanyang lakas, nagtitiwala sa makapangyarihang Diyos ng Israel. . . . Mahalagang magkaroon ng isang matalinong kaalaman sa katotohanan; sapagkat paano pa natin sasalubungin ang masigasig nitong mga kalaban? Kailangang pag-aralan ang Biblia, hindi lamang sa mga doktrinang itinuturo nito, kundi sa praktikal na mga aralin nito. Hindi kayo dapat magulat, at mawalan ng suot na sandata. Maging handa sa anumang kagipitan, sa anumang tawag ng tungkulin. Maghintay, magbantay sa bawat pagkakataong maipakita ang katotohanan, ma maging pamilyar sa mga propesiya at sa mga aralin ni Cristo. Ngunit huwag magtiwala sa mga maayos na inihandang mga argumento. Hindi sapat ang argumento lamang. Dapat hanapain ang puso sa pamamagitan ng mga tuhod; kailangan ninyong humayo upang salubungin ang mga tao sa pamamagitan ng kapangyarihan at impluwensya ng Kanyang Espiritu. . . . Nais ng Diyos na maging mga alertong tao kayo, tulad ng mga kalalakihan na bumubuo sa hukbo ni Gideon.— The Review and Herald, July 1, 1884. LBD 277.2
Kapag sa araw ng pangwakas na mga parangal, ibinibigay ang gantimpala sa bawat isa ayon sa kanyang mga ginawa, pribilehiyo ninyo ito na magkaroon ng mga tinubos na kaluluwa na kayo ang naging daan na nakatulong, na lalapit sa inyo at magsasabing, “Inangat Mo ako sa kawalan ng pag-asa.” At sasabihin sa inyo ng Guro na, “Magaling, mabuti at tapat Kong alipin.”— Letter 348, 1908. LBD 277.3
Nag-iingat ang Panginoon ng isang kumpletong listahan ng Kanyang mga manggagawa, at binigyan niya tayo sa kasaysayan ng Biblia ng mga pangalan ng iilan. Kabilang sa mga tapat na katiwala ay sina Abraham, Jose, Moises, Elias, Daniel, Nehemias, Juan, at Pablo. . . . Ang mga manggagawa sa ubasan ng Panginoon ay may halimbawa ng kabutihan ng lahat ng edad upang pasiglahin sila. Kailangan nilang hikayatin sila sa pag-ibig ng Diyos, sa paglilingkod ng mga anghel, sa simpatiya ni Jesus, at sa pag-asang manghikayat ng mahahalagang kaluluwa na liliwanag magpakailan man gaya ng mga bituin sa kanilang korona ng pagsasaya.— The Review and Herald, January 6, 1885. LBD 277.4