Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Magtatagumpay ang Katotohanan, 28 Setyembre
Ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong matakot, at huwag kayong panghinaan ng loob sa napakaraming taong ito; sapagkat ang pakikipaglaban ay hindi sa inyo, kundi sa Diyos. 2 Cronica 20:15. LBD 276.1
Mayroong gawain para sa bawat indibiduwal na nagpapangalan sa pangalan ni Cristo. Taimtim na tumatawag sa inyo sa tungkulin ang isang tinig mula sa langit. Pakinggan ang tinig na ito, at magtungo nang sabay-sabay sa anumang lugar, sa anumang kapasidad. Bakit kayo nakatayo rito buong araw na walang ginagawa? Mayroong kayong gawaing dapat gawin, isang gawaing humihingi ng pinakamahusay ninyong mga enerhiya. Nauugnay ang bawat mahalagang sandali ng buhay sa ilang tungkuling utang ninyo sa Diyos o sa inyong kapwa tao. . . . LBD 276.2
Ang isang malaking gawain sa pagliligtas ng mga kaluluwa ay nananatiling gagawin pa lamang. Nakikibahagi sa gawaing ito ang bawat anghel ng kaluwalhatian, habang ahumahadlang dito ang bawat demonyo ng kadiliman. Ipinakita sa atin ni Cristo ang malaking halaga ng mga kaluluwa na pinarituhan Niya sa mundo na may natipong walang-hanggang pag-ibig sa Kanyang puso, na nag-aalok upang gawing tagapagmana ang tao sa lahat ng Kanyang kayamanan. Inihayag Niya sa harap natin ang pag-ibig ng Ama para sa nagkasalang lahi at ipinakita sa Kanya bilang matuwid at nagtutuwid sa kanyang naniniwala.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 203, 204. LBD 276.3
Mayroong maraming bilang ang inihalera laban sa katotohanan, na kailangan nating salubungin sa pagpapakita ng liwanag sa iba. Ang ating pag-asa ay hindi sa ating kaalaman sa katotohanan, at sa ating sariling kakayahan, kundi sa buhay na Diyos. . . . Nakataya ang kaluwalhatian ng Diyos. At dapat magkaroon ng desididong pagsisikap pagdating sa pagsisikap ng tao, at buhay na pananampalataya para sa makapangyarihang Diyos upang maipakita ang Kanyang kapangyarihan, kung hindi lahat ay magpapatunayang isang kabiguan. Tinalo ng Diyos ang mga kaaway ng Israel. Ginulo Niya ang kanilang mga puwersa. Tumakas silang hindi alam kung saan pupunta. Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoong Diyos ng Israel? LBD 276.4
Hindi tayo ngayon nakikipaglaban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan at kapangyarihan at espirituwal na kasamaan sa matataas na lugar. Hihikayatin tayo ng Panginoon na tumingin sa Kanya bilang mapagkukunan ng lahat ng ating lakas, ang Isang makatutulong sa atin. . . . Kapag nagsasagawa ng gawain ang Diyos ng Israel para sa atin, gagawin Niya itong matagumpay.— The Review and Herald, May 10, 1887. LBD 276.5
Magtatagumpay ang katotohanan.—Letter 345, 1904. LBD 276.6